𝙲𝚑𝚊𝚙𝚝𝚎𝚛 𝟺𝟾

1.8K 98 6
                                    

CJ's POV:

"Sinasabi ko saiyo CJ. Hindi ka pupunta. Hindi ka sasama sa school visiting na 'yan bukas." Sabi ni Kuya habang kumakain kami ng hapunan. It's Saturday today. Sunday kami aalis tapos may tutuluyan muna. Then Monday competition and school visit.

"Oo na nga paulit-ulit." Bulong ko at nagpatuloy sa pagkain. Nang matapos ay nilagay ko agad sa lababo yung pinag-kainan ko at umakyat sa kwarto. Ni-lock ko yung pinto at pumasok sa walk-in closet ko. I packed my things and hid them under my bed.

"CJ?" Inayos ko ang pagkakatago ng bag at binuksan ang pinto ko.

"Oh, Ikay bakit?" Tanong ko.

"Hindi ka makakasama? Paano 'yun?" Nag-aalalang tanong ko. Hinila ko siya papasok sa kwarto ko at sinara ang pinto.

"Sino nagsabing hindi ako makakasama?' Nakangising tanong ko. Nung una ay nagtaka siya, pero kalaunan ay tumawa din.

"You're crazy." She said.

"I know." Sagot ko at tumawa din. Sinabi ko sakaniya yung plano ko bukas at sabi niya siya ang bahala sa bag ko. Sabi sainyo kami talaga ang partners in crime.

Maaga akong natulog dahil kailangan daw 5:00 nasa school na. And luckily, 5:00 nagbubukas yung café. Nakiusap ako kay ate Cami na i-cover muna ako dahil kailangan ko talagang pumunta sa competition. The team is counting on me, and I can't let them down.

---

Nang tumunog ang alarm clock ko ay mabilis akong kumilos. Sa sobrang pagmamadali ko imbis na hot water yung pampaligo ko, nailagay ko sa cold-water kaya buhay na buhay yung diwa ko sa lamig ng tubig.

Bob* mo CJ.

Nagbihis ako ng black ripped jeans, blue loosed crop-top hoodie at white sneakers. Saktong pagbukas ko ng pintuan ay dumaan si Ikay sa kwarto ko. Mabilis kong inabot sakaniya yung bag. Tumango siya at naunang bumaba. Nag-intay ako ng 10 minutes bago bumaba din.

"Where are you going young lady?" Mabilis akong hinarang ni Kuya.

"Café." Maikling sagot ko at pinakita yung shoulder bag na dala ko. Tiningnan din niya ang likod ko, at ng masigurong yun lang ang dala ko ay umalis siya sa dadaanan ko.

"Umayos ka sa pagmamaneho!" Sabi ni Kuya LZ. Kumaway lang ako at lumabas na.

"See you." Sabi ni EZ. Taka ko siyang tiningnan bago tumingin kay Ikay. Napailing iling nalang ako.

Sabi ko nga trio kami.

Huminga ako ng malalim at tinawagan si yelong kumag.

"Oh?" Bungad niya.

Gandang bungad naman niyan erp.

"Sabay ako sayo." Sabi ko habang naglalakad papunta sa street nila.

"What? Why?" Tanong niya.

"Explain ko maya." Sabi ko at binaba ang tawag. Pagdating ko sa tapat ng bahay nila ay saktong pasakay na siya sa motor niya.

"Seriously?" Inis na tanong niya.

"Yeah seriously." Sagot ko at kinuha yung helmet na inaabot niya.

"Your explanation should be acceptable Montefalco." Sabi niya at pinaandar yung motor.

"It is, Ashford." Sagot ko at kumapit sakaniya.

Mabilis kaming nakarating sa school, at gaya ng unang sakay ko sakaniya, pakiramdam ko humiwalay talaga yung kaluluwa ko sa katawan ko.

Pagdating namin dun ay sinalubong agad ako ni Ikay. Inabot niya saakin yung bag ko at bumalik sa pwesto niya.

The Only Girl Of Section 5Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora