ANG SIMULA.

83 8 4
                                    

Avriel's POV

Tulalang tumingin ako sa kawalan, nanginginig ang kamay ko at hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin. Tumayo ako mula sa pagkaka upo ko sa kama. Nilibot ko ang paningin sa hotel room na kinarorooonan ko at dumapo ang paningin ko sa likod ng isang lalaking natutulog sa kama. Hindi ko pinagtuunan siya ng pansin dahil sa nararamdaman ko.

Naluluha kong inabot ang damit kong nagkalat sa sahig, nanghihina ako pero kailangan ko nang makaalis, kailangan kong umalis sa lugar na ito, sa lugar na saksi sa katangahang ginawa ko.

Isinuot ko ang damit ko at nanghihina akong lumabas sa kwartong iyun. Tuloy tuloy ang pag agos ng luha sa mga mata ko. Nahihilo ako marahil ay dahil sa nainom ko kagabi pero wala na akong pakealam roon.

Nagmamadaling lumabas ako sa hotel na tinuluyan ko na iyun, at kahit masakit ang bawat parte ng katawan ko ay sinikap kong nakauwi sa apartment na tinutuluyan ko.

A MONTH LATER.

Sinabunutan ko ang buhok ko at sunod sunod na kumawala ang luha mata ko, hindi ko alam ang mararamdamn ko, pakiramdam ko ay ginagago ako ng mundo. Ang tanga tanga ko.

Ni hindi ko pa nga narerehistro ng maayos ang nangyari sa utak ko isang buwan na ang nakalipas ay ito na naman, may panibago na naman akong problema, may panibago nanaman akong iisipin. Panibagong sakit, panibagong paghihirap.

Sa harap ng kinauupuan ko ay lamesa at roon nakalagay ang dalawang pregnancy test at lahat iyun ay may guhit na dalawang linya. Positive.

"tangina.. h-hindi hindi pwede to." mahinang bulong ko. Ni hindi ko nga mabuhay ng maayos ang sarili ko tapos may idadagdag pa ako? Bente anyos pa lang ako, ang bata ko pa para sa ganitong responsibilidad, kung sana ay nag isip muna ako noon. Kung sana hindi na ako pumasok na iyon, kung sana...

Unti unti akong nilamon ng lungkot, galit at pag iisa. Hindi ko 'to gusto, hindi ko 'to ginusto at kahit kailan ay hindi ko 'to magugustuhan. Wala sa plano at sa isip ko ang magka anak.

Naalala ko ang nangyari noong nakaraang buwan, kung hindi kaya ako pumunta sa bar na iyun ay hindi ito mangyayari sa akin?

Nadaanan ko lamang ang bar na yun at dahil sa kuryusidad ay pumasok ako at nalasing. Hindi ko maalala ang mga pangyayari ng malinaw pero ang alam ko ay dahil sa katangahan ko ay may nangyari sa amin ng hindi ko manlang nga kilalang lalaki.

Umiling iling ako, tangina anong gagawin ko?

"Hindi ko kayang panindigan 'to, hindi ko kayang dalhin ang isang pagkakamali lang din."

Hindi ko matanggap, buntis ako at hindi ko manlang kilala ang ama. Bunga ito ng pagkakamali. Nang katangahan at maling desisyon ko.

Alam kong mali ang tumatakbo sa utak ko ngayon, alam kong malaking kasalanan pero buo na ang desisyon ko.

I'LL ABORT IT.

A/N: Hi, sana ay maintindihan n'yong isinulat ko ang mga characters sa kwento kong ito na HINDI PERPEKTO. THEY ARE FLAWED at marami silang mga desisyon na alam kong sa iba ay mali, kaya sana ay kung hindi n'yo gusto ang hindi perpektong character ay huwag nyo basahin ito.

One Night Mistake (ON-GOING)Where stories live. Discover now