CHAPTER 47

212 7 0
                                    


Lumipas ang araw ay una kaming umuwi ni Dave dahil may pasok pa kami susunod nalang si Kuya Marco at Mama sa amin.

Natatawa naman ako kanina ng umiyak si Stephanie dahil ma mimiss daw niya ako.

Napabalik lang ako sa ulirat ng may nagsalita.

"Anong tawa tawa mo jan?" masamang tanong sa akin ni Dave hindi ko namalayan na nagmaneho na pala ito.

"Wala lang may iniisip lang ako" diretso kung ani nito at agad tumingin sa labas ng bintana.

Hay Makakaya niya bang magmaneho? kung sa bagay ako nga dati isang oras lang matutulog.

Dumating ang hapon hindi parin ako makatulog kaya na isipan kung mag cellphone total wala naman akong gagawin.

Hanggang sa May nahagilap akong Picture, Ako si Khael at KL nasa gitna nila akong dalawa.

Kamusta na kaya siya?.

Kinabukasan nagising naman ako ng 7:00 Am, hindi ba ito inaantok.

"Oum Natulog kaba?" tanong ko nito.

"Mukha ba akong natulog!" inis na sagot nito dahil namumula ang tainga nito hay ang init naman ng ulo nito para pinaglihe sa kabayo.

"Kung inaantok kana pwede ako nalang ang mag drive" kasabay non ang paghinto nito buti hindi na naulit na nauntog ako.

"What, At Bakit marunong ka bang mag drive!" baling nitong tanong sa akin.

"Bakit Magtatanong ba ako sayo kung hindi ako marunong tst" inis na sabi ko nito.

"Are you sure!" hindi makapaniwalang tanong nito.

Tango lang ang sagot ko nito kaya agad naman kaming nag palit ng pwesto at don naman siya sa passenger seat para makapagpahinga.

Hindi pa ako nagkapagsimula ng nagsalita ulit ito.

"Sigurado ka talaga, baka pag uwi natin wala na tayong ulo" sabi nito ng ikinatawa ko.

"Sus walang tiwala basta magtiwala kalang sa akin wala pang isang oras aabot na tayo sa bahay" ngiting sabi ko nito at sinimulan mag drive.

Dahil mahilig akong magmaneho ng mabilis binilisan ko ito at kasabay non ang pagsigaw ni Dave.

"Stop The car!" Inis na sigaw nito ngunit hindi ko siya pinakinggan at lalo ko pang binilisan.

"I said Stop the car, are you crazy!" inis na naman na sigaw nito.

"Haha akala ko ba matapang ka bakit sumisigaw ka jan!" tawang sabi ko nito at binilisan.

"Gusto mo bang mamatay ha at kung alam ko lang na ganto ka mag drive sana nalang pinatulog nalang kita" inis na naman na sigaw nito at mayamaya ay nakarating na kami sa harap ng bahay.

"See, Wala pang isang oras nakarating na tayo, Kung ikaw pa nag drive aabot tayo ng isang buwan" tawa kung sabi nito kasabay non ang malakas na batok.

"Alam mo kung nabangga pa tayo kanina baka pinatay na kita!" inis na sigaw nito at bumaba hay kahit kailan talaga ang init ng ulo.

Bumaba naman ako at lumapit kay Manong tata.

"Steph Anong nangyari sa kuya mo?" tanong nito.

"Wala pong nangyari manong tata nagkatuwaan lang  po kami" diretso kung sagot nito at ngumiti naman ito.

The Girl In Section B (Badboys Group)Where stories live. Discover now