Kabanata 1

1.3K 45 6
                                    


Dada





"Mimi.." agad kong niyakap ang limang taong gulang kong anak. Nawala agad lahat ng pagod ko mula sa opisina. "Wowa is here Mimi.. " galak na sabi ng anak ko. Ngumiti ako at hinila niya ako papunta ng kusina.

"Wowaaaaa..." tili ng anak ko kaya napapikit ako sa tining ng boses niya. "Wowa.. Mimi's here.." ngumiti ang anak ko at sumampa sa bangkuan niya .

"Hello po .. Tita.." naiilang parin ako hanggang ngayon. Tatlong taon na simula ng pumunta siya dito sa unit namin at agad niyang Hinanap si Ellie.. di ko na kaya pang itago ang anak ko kaya pinapasok ko siya at agad niyang niyakap si Ellie na nag lalaro sa mat niya that time.

"Julie.. please call me Mama.. ako lang sa pamilya namin ang nakaka alam ng tungkol kay Ellie.. matagal ko din kayong hinanap.." puno ng sakit ang boses niya kaya ngumiti na ako at tumango.

"Mimi .. look.. teacher Lani said na behave po ako.." pinakita nito ang star sa likod ng palad kaya lalo siyang napangiti. "Kaya Wowa cook me pancake.." pumalakpak pa 'to kaya natawa kami.

Habang abala si Ellie nag ayos na ako sa kusina. Nang lumapit ang ina ni Elmo sa akin kaya agad na binayo ng kaba ang dibdib ko.

"May karapatan parin ang anak ko kay Ellie .. sana wag mong ipag kait yun Julie. Limang taon mo na siyang tinatago Julie.. di naman sa nagagalit ako.. alam ko kung bakit mo tinatago si Ellie.. kahit sinong magulang ayaw masaktan ang anak niya.."

"Sobra po yung sakit na dinulot sa akin ni Elmo.. nung pinamuka niya sa akin na di niya ako mahal. Nung panahong sasabihin ko na sa kanya na buntis ako kay Ellie.. akala ko yun na yung pinaka masayang araw sa akin.. nag kamali ako .." pinilit kong wag bumuhos ang luha ko pero di ko kaya. "Di ko na pinilit angsarili ko kasi ayokong matulad dati .. na.. nawala yung una kong anak... una.. naming anak.."

"I'm sorry hija.. pero hindi sa kinakampihan ko yung anak ko.. pero baka naman may dahilan si Elmo kaya niya nagawa yun.. iniisip ko lang si Ellie.. kahit na ibigay mo na ang lahat.. alam kong nag hahanap siya ng kalinga ng Ama.." tumitig ako sa anak ko na masayang na nonood ng Frozen.

"Sorry Tita.. pero di ko po talaga ipapakita si Ellie kay Elmo.. ayokong maranasan ng anak ko na itaboy siya ng Ama niya." Umiling ako at lumapit sa anak ko na nakaupo at nanonood. Agad ko siyang niyakap ng mahigpit at hinalik halikan ang kanyang pisngi.

"I'm sorry Julie.. mauuna na ako.. baby.. uuwi na si Wowa.. kiss mo na si Wowa three.. " agad kumawag ang anak ko at tumakbo sa ina ni Elmo at hinalikan ang pisngi nito ng tatlong ulit.

"Goodbye Wowa.. " tumingin sa akin ang ina ni Elmo at tumango, tanging ngiti lamang ang naiganti ko. Muli ay lumapit sa akin ang limang taong gulang kong anak.

"I love you Mimi.. forever and ever and ever.." ngumiti ako at hinaklikan ang pisngi niya tapos ilong hanggang sa labi niya na mamula mula.





--------*&*&*&*&*&*&*&*---------






"Mimi.. i want caramel cake.." ngumiti ako at tumango. Lagi nalang siyang ganto pag papasok ako ng opisina at nanghihingi ng pasalubong.



"Okay.. dapat behave ko kay Tita Cams mo aah.. bawal pasaway.." itinaas pa niya ang kaliwang kamay kaya natawa ako. Tumaas ang kilay ko kaya tinignan niya ang nakataas ma kamay. Agad siyang ngumiti ng matamis at dahan dahang binaba ang kaliwang kamay at tinaas ang kanan niya.



"Promise.. Koko and me will play lang po.." ngumiti ako at sinarado ko na ang bag niyang sofia the first ang design. Inayos ko din ang flower crown niya at ang dress niyang white. "Pretty?" Hinalikan ko ang tungki ng ilong niya at pinisil ang pisngi niya.



"Super.." pumalakpak pa siya at niyakap ako.

"Take care Mimi.." kinuha niya na ang bag niya at tumakbo palabas ng unit ng marinig niya ang doorbell . Lagi siyang sinusundo ng girlfriend ni Kuya na si Ate Cams. Para doon muna ito , pumayag na siya dahil wala din naman siyang maiwanan ng anak niya.

"Where is your Mimi?" Lumabas na ako at ngumiti kay Ate Cams. "Paano Julie.. mauna na kami , sabi pala ni Axel yung report mo daw sa opisina di mo tinapos.."

"Si kuya akala mo di na ako papasok. Kasi naman tumawag 'yang bulinggit ko nag iinarte.. syempre mas uunahin ko anak ko." Tumango si  Ate Cams at hinalikan na ang pisngi ko . Kumaway ako sa anak ko na nakangiti sa akin habang papasok sa elevator.





--------&&&&&&&*&&&&&&&&-----------



A's POV



Kanina pa sila paikot ikot sa Mall nag aya kasi ang mga bata na mamasyal kaya di na tinanggihan ni Cams gusto niya din kasi na ipasyal ang mga ito.

"Tita .. I'm hungry na.." ngumuso si Ellie kaya natawa si Cams.

"Me too Mama.." segunda naman ng anak niya na si Koko.

"Okay! Let's eat muna.." nag hanap si Cams ng makakainan nila. Di naman maarte ang mga bata kaya napili niyang sa Jollibee nalang kumain.


"Tita.. penge pong water.." inabot ni Cams ang tumblr na pink ni Ellie at ganoon din ang kay Koko. Nakamasid lamang si Cams kay Ellie na kumakain ng french fries at isinasawsaw sa ice cream. Habang ang anak niya ay abala sa pag ngata ng fried chicken.


Nang matapos ay nag aaya na mag CR ang mga bata kaya sinamahan niya ito. Nauna si Ellie medyo kaya na ni Ellie kaya binantayan niya nalang. Nang matapos ay binigay niya ang Hand sanitizer  niya.


"Baby.. wait mo si Tita Cams huh?! Tutulungan ko lang si Koko.. okay?" Tumango naman si Ellie at ngumiti.


Pero sadyang pasaway ang anak ni Julie , lumabas ito at luminga linga pa. Hanggang sa parang nag liwanang ang muka nito ng may makita ito. Agad itong tumakbo sa cake shop na nakita niya. Nang may nag bukas ng pinto ay sumabay na siya.


"Hi.. can i have this chocolate cake?" Sabi ni Ellie at inabot ang pera na galing pa sa bag niyang sofia the first.

"Sorry baby pero.. di talaga kasya ang pera mo.. " sabi ng cashier ng lumapit si Ellie at tinuro ang cake na gusto niya.

"But.. I want that chocolate cake.. how much ba?" Kunot noo na tanong nito at bahagyang sumimangot pa.


"350 pesos.." nakangiting sabi ng babae na halatang nakukyutan kay Ellie. " You only have 50 pesos.. gusto ko nang ibigay sayo ito baby pero kasi wala na akong sasahurin kung sakali.. sorry .." paumanhin niya kay Ellie na lumaglag ang balikat.


"That's okay.. " pero halata ang lungkot sa mata nito. "I thought .. never mind.. I'll buy Mimi cheese cake nalang.. bye bye miss.."
Tanging sabi ni Ellie at ngumiti. Palabas na siya ng Cake shop ng may humarang sa kanya.



"Why are you looking at me like that.. " supladang tanong ni Ellie kaya ngumiti ang humarang sa daan niya.



" Gusto mo bilhin ko yung cake para sa Mimi mo?" Lumiwanang ang muka ng bata . Pero agad ng bago yun ng makita niya na nakangiti ang lalaking humarang sa daan niya.



"No thanks.." maarteng sabi nito.


"I'm Elmo.. Elmo Magalona.." pakilala ng lalaki. Nanlaki ang mata ng bata at tumingin sa lalaki. Lumapit siya dito at hinawakan ang mag kabilang pisngi nito na para bang sinusuri niya ang bawat kurba ng muka ni Elmo.




"Dada..?" 










------^^^^^------

AN: BELATED HAPPY BIRTHDAY TO ME!!
REGALO KO NA SA INYO 'TO FANEYS KASI MGA SAMPUNGTAON BAGO ITO MASUNDAN :) HAHAHAHALELS XD

kbibas SABI KO UPDATE KA PARA YUN NA YUNG REGALO MO PERO BAD KA DI KA NAG UPDATE HUHUHU ;(

BY THE WAY ENJOY READING DON'T FORGET TO
VOTE . COMMENT YOUR RECTION!! LOVE YOU GUYS

I Want you BackWhere stories live. Discover now