Chapter 23: The Girl In Balete Drive

470 1 0
                                    

Creepy story 3
xxx file || horror
July 3, 2022

Narinig n'yo na ba ang kababalaghan sa balete drive? Malamang ay oo dahil madalas naiikukwento to pero sa iba na hindi nakakaalam ay basahin ito.

Noong nabubuhay pa si lola kinuwento n'ya sakin ang babaeng nasa balete drive kwento n'ya pa nga na napaka gandang dilag ang babaeng nasa balete, sakto lang ang tangkad n'ya at napakaganda ng pagkakurba ng kan'yang katawan.

Kwento sakin noon ni lola na ang babae na nasa balete drive ay na r*pe.

Noong 80's ay laging lumalabas ang magandang dalagang ito mapa umaga o gabi man. Dahil may binibisita ito sa sementeryo na malapit lang din sa balete drive.

Isang gabi na lumabas sya ulit at bumisita sa sementeryo na nakaugalian n'ya. Pagkatapis n'yang bumisita dito ay nagpahinga s'ya sa malaking puno sa daan na kan'yang dinadaanan na ang tawag nila ay balete drive.

Kwento din ni lola kung paano na r-pe ang babae.

Binaboy nila ito at saka pinat-y. Kaya hanggang ngayon ay hindi pa nakukuha ang hustisya, kaya ang babaeng ito ay nanggugulo kung saan sya nababoy, sa balete drive.

Kaya ang mga dumadaan dito na sasakyan o kahit anong uri ng transportasyon ay nagkakaroon ng aksidente. Lalo na sa mga mag-isang dumadaan dito madalas magpakita ang babaeng nasa balete drive. Yan ang kwento ng lola ko.

Nagtataka kayo kung bakit alam n'ya lahat ang kwento sa babae na nagmumulto sa balete drive? Ang babaeng nasa balete drive at ang lola ko ay iisa.

Its_GoldenDarkness || I.G.D

One Shot CompilationWhere stories live. Discover now