Introduction

1K 10 7
                                    

PARA KAY ATE DAHIL SA SUPPORT AT PAGKAKAIBIGAN. SYA KASI YUNG UNA KONG NAGING KAIBIGAN NA HINDI KO PERSONALLY KILALA. LOVE YU ATENG! AYIIII <3 =D

BASAHIN NYO RIN YUNG STORY NYA AH! WHAT MY HEART SAYS ANG TITLE. SUPPORT SUPPRT LANG MGA FRIENDS! ROCK ON! \m/

@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@

5 Feet Flat

riapatronus2527

Maliit.

Bansot.

Pandak.

Unano.

Bunso.

Junior size.

Tatlong dangkal ang iniangat sa lupa.

Ka-height ni Ryza (yung batang nagchachacha sa Eat Bulaga).

5 feet flat.

Ilan lang yan sa libu-libong pintas na inaabot ko araw-araw mula kay Elliot. Sa araw-araw na ginawa ng Diyos wala na kong natamo mula sa kanya kundi puro lait. Kahit sa school, sa barangay namin, sa mall, kung saan man nya ko makita. Siguro nga kung makikita nya ko sa banyo, iinsultuhin pa rin nya ko.

Bakit? Kasalanan ko bang maliit ako? Kasalanan ko bang hindi ako biniyayaan ng height? Kasalanan ko bang wala akong pagmamanahan ng magandang height? Kasalanan ko bang nagsye-syesta ko nung magpamudmod si Lord ng katangkaran? Kasalanan ko ba yun hah?!

EDI SYA NA! SYA NA PERPEKTO!

Oh well, sya na nga talaga. Sya na maganda lahi. Sya na talaga perpekto! I mean, close to perfect.

Kung ipapa-describe nyo sakin si Elliot, ganto siguro isasagot ko.

In one word: Heartthrob

Itsura: Pwede na. Pwede ng pagtyagaan. HAHA!

Pero seryoso, ganto yan.

Physically: Maputi. Para ngang wala na yang dugo eh. Maputla pala ang right term. Payat. Starvation yan eh. Di ata kumakain ng marami. Walang ni-isang tagyawat sa mukha. Mas makinis pa sakin. Maganda at maputi ang ngipin. Gwapo (Malamang! San ka naman nakakita ng heartthrob na panget aber?!) Kissable lips (AY DI PALA!) at higit sa lahat...

Matangkad! OO NA! Sya na matangkad! Sya na biniyayaan ng height! Sya na 6 footer. Yup, 6 footer yan. ODI SYA NA! 

Kung sa ibang bagay naman, oh well mayaman sila. SOBRA! Mayaman talaga! Mansyon ang bahay nyan eh. Hiyang hiya tuloy yung bahay naming nagmukhang barung-barung nung itinabi sa kanila. =_________=

Pero kung talents naman ang pag-uusapan, DUN AKO BABAWI! =D

Kahit sabihin mang gwapo yan at mayaman, wala naman syang talent. HAHA! Meron naman pala. Tatlo. Tennis, Skateboarding at magaling sya sa Math. Yun na yun. 6 footer nga sya pero kapos naman sa talent. Eh ako kahit kapos sa height, biniyayaan naman ako ng madami-raming talento ni Lord noh!

Sanay akong maggitara, magpiano, magdrums, kumanta, magdrawing, magbadminton at sumayaw. OHA! Edi talbog sya! Kahit ganto ang height ko, small but terrible ata toh! =D

Pero kung ang negative traits naman nya ang ipapa-mention nyo sakin, NAKO! Kapos ang isang UD. Pero to sum it all up, MAYABANg sya. Yun na! 

Mayabang kasi mayaman. Mayabang kasi heartthrob. Mayabang kasi may itsura.

Ganun naman ata talaga eh. Kapag pinanganak na mayaman, asahan mo 80% chance magiging mayabang yan. Pero hindi ko naman nilalahat. Though kasama si Elliot dun sa mga lumaking mayabang. -_________-

Nakakadismaya ang katangkaran ko. Hiyang hiya sya sa 6 feet na height ni Elliot. =______=

Pero kahit naman ganto ko, kahit makulit madalas, boyish, moody minsan at maharot, mabuti naman akong tao noh! At least yun man lang maipagmamalaki ko. Di tulad ng iba dyan! Gwapo at mayaman nga pero puro kayabangan naman. *ehem* ELLIOT *ehem*

--------------------

A/N: very soon na po ang whole story nito, swear. Intro muna sa ngayon =D

favor naman oh, VOTE // COMMENT // BE A FAN 

thank you guys! 

favor ulit, last na. read nyo yung story ni Ate Yesha hah?! =) salamat!

5 Feet Flat [ONE-SHOT]Where stories live. Discover now