5 Feet Flat

585 12 5
                                    

DEDICATED SA KANYA DAHIL NATUWA AKO DAHIL NAGVOTE SYA SA 5 FEET FLAT PATI NA RIN SA 10 WAYS KO =D SALAMAT! GODBLESS!

SO THIS IS THE WHOLE STORY NA PO. KUNG NAGUSTUHAN NYO VOTE || COMMENT || BE A FAN

FIRST TIME KO MAGSULAT NG SHORT STORY KAYA PAGTYAGAAN NA. HOHO! XD

=======================================================

5 Feet Flat

riapatronus2527

“Hoy bata!” 

Sumubo ako ng kikiam na binili ko. Pinunasan ko ang natirang sauce sa gilid ng aking labi gamit ang likod ng kamay ko. Ano na naman kaya’ng problema ng lalaking yon?! Break time na break time eh mangaasar na naman. Bwisit! 

“Ano?!” galit kong tanong sabay lingon sa sumigaw. 

“Ay! Sorry. Akala ko grade school. Tatanungin ko sana kung bakit nandito pa sya eh tapos na break time ng Grade 3. Ahahahahahaha.”

Tumawa sya ng tumawa habang nakapila kami sa bilihan ng food. Baliw ata toh eh. =__________= 

Pero yung joke nya, nakakapag-push sa limits! Kapag talaga ako napuno sa lalaking baklang patpat na yan! NAKOW! Ihanda na nya ataul nya! Ibabaon ko sya sa lupa ng buhay! 

Isipin nyo ba naman, sa classroom tadtad na ko ng lait mula sa walking stick na yan, eh ka-service ko pa! Maski sa sasakyan inaasar ako! Naku! Nakakapangkulo talaga ng dugo! Kung makapang-inis yan eh kala mo sya na ang pinakaperpektong tao sa buong mundo! Sheeeeeeeeeet! 

Ang lalaki na yan este baklush pala yan, ay si Elliot. One word to describe him, heartthrob. Eh ano ba intsura ng mga heartthrob? Pangit ba? Syempre hindi! 

 Maraming nagkakagusto dyan. Ay mali! Hindi nagkakagusto ang right word. Ang tamang term ay nagpapantasya! Maraming nagpapantasya sa kanya. Maraming adik sa kanya! Yung tipong kapag absent sya eh halos mamataymatay yung mga babae sa campus. Kapag pumasok naman sya nagtitilian lahat. Makita pa lang yung anino nya eh halos tumulo na laway ng mga babae. Nagsisigawan lahat at nagwawala. Sarap baklasin yung mga esophagus ng mga makikiring yun! 

Kaya ganyan ang ugali nyan eh. Lumalaki ang ulo! Sarap sipain! 

Puro lait ang inaabot ko dyan! Kesyo maliit daw ako, bansot, mukhang preschooler, bata, tatlong dangkal lang daw ang iniangat ko sa lupa, ka-height ko raw si Ryza (yung batang nagchachacha sa Eat Bulaga) isang hakbang lang daw nya eh tatlong hakbang na ng mga maiikli kong binti! Napaka-exaggerated naman nya hah! HIYANG HIYA AKO! -______- 

At eto pa! sa tuwing makikita nya ko ay ibe-bend pa nya yung tuhod nya para bumaba sya sa height ko. Ano raw ba kasi ang nakikita ng isang taong 5 feet flat, magbe-bend yung tuhod nya at biglang hahagalpak ng tawa. 

Bakit?! Kasalanan ko bang hindi ako biniyayaan ng katangkaran? Kasalanan ko bang parehong maliit ang mga magulang ko at wala akong pagkukuhanan ng kataasan? For his information, ako na po ang tallest sa aming magkakapatid though ako ang bunso! >________< 

K. Fine. Siguro nung nagsaboy si Lord ng height sa mundo eh natutulog ako, or busy, nagko-computer? Nanonood ng TV? Basta wala ako nun! Tanggap ko namang maliit ako eh! Pero kailangan pa bang iduldol sa mukha ko?! 

“Nice joke dude,” sarcastic kong sabi sa kanya. Kinuha ko na yung binili kong turon. “Salamat ate,” sabi ko sa tindera. 

“Eto naman. Geh na nga, mauna na ko.” Tumalikod na sya at lalakad na palayo nang magsalita ako. 

“Geh! Wag ka na magpapakita sakin kahit kelan!” 

5 Feet Flat [ONE-SHOT]Where stories live. Discover now