Chapter 1

6 0 0
                                    

Chapter 1

to: leighn_buenaventura831@gmail.com

Pamantasan Ng Las Poblacion (PNLP)
Ms. Yrvvi Leighn Buenaventura, good day! It gives us great pleasure to notify you that you are going to pass the entrance exam for the Bachelor of Science in Business Administration program, namely the Marketing Management major. We are also happy to let you know that, with 98% of the exam results, you were ranked #1 in the entire CBAA department. Your presence at our university is greatly appreciated. If you are interested in a change in accounting, please let us know since the results are more qualified. We are willing to provide you with a monthly stipend. Please respond if you would like. Thank you.

Sincerely,
University President.

3 days after graduation, nag message na yung dream university ko.

Ang ganda ng bungad ng umaga ko! Tangina natanggap ako sa dream university ko!!!

Tatanggapin ko ba yung alok nilang mag accountancy ako? or hindi na? Huwag na lang siguro, marami akong nababalitang na i-irreg sa course nayon, eh. Ang dami ba namang units.

Hindi pako nakakaget over ay tumunog na ulit messenger ko. Of course, yung kumag nanaman yon.

Adrian Vargas
Leng, nag email na sakin yung PNLM, nakapasa ako. Ikaw ba?

Leighn Buenaventura
di aq nakapasa kingina :((

Adrian Vargas
Hala? totoo?! Ano nga? ‘di ako naniniwala.

oa ng reaction, ha!

Leighn Buenaventura
You sent a photo.
😮

Sinend ko na screenshot ng email sakin, nakakatamad mag type eh. Sasabihin ko narin pala kay ate.

Weighn An Buenaventura
ate wengggg!!!! nakapasa ko sa PNLM😭🙏

You sent a photo.

di q iaaccept yung alok nilang accountancy, kukuha rin naman aq ng scholarship.

Alam kong mamaya pa ‘yon mag rereply si ate. Mamaya pang 5pm out non sa work eh.

Sobrang thankful ako kay ate. Kasi nag sacrifice sya for me. Hindi na sya nag aral ng college, mas pinili nyang mag work for me. Nag papart time rin naman ako, hindi kasi sapat yung income ni ate. Nag uupa lang kami sa bahay, eh.

3,500 yung bahay, 1500 yung kuryente at tubig. 4k grocery namin monthly. Kaya need namin ng 9k sa bahay palang every month. Paano pa yung allowance nya for work? yung allowance ko sa school? almost 15k lang naman kita ni ate every month, talagang kulang. Hindi rin nag senior high school si ate, dagdag gastos lang din daw yon. Sa bahay, si ate na ang bahala. Ako rin nag papaaral sa sarili ko kaya kahit nag wowork si ate, hindi ako umaasa sa kanya.

Marami rin naman akong part time, nag aaccept ako ng academic commission, nag hohost ako sa mga small events, nakanta ako sa mga kasal at debut, minsan din kinukuha ako sa gig, tsaka may pinapasukan rin akong restaurant. Para kahit wala akong raket, may work parin ako.

Nag iipon rin ako pambili ng make up, kasi balak ko rin maging make up artist. Konti nalang kulang ko actually. Magaling narin ako. Well, fast learner naman kasi ako, kaya mabilis akong matuto sa mga bagay-bagay.

Habang nasa gitna ng pag iisip, tumunog nanaman messenger ko. Nakakainis! Kung pwede lang mag silent ng phone eh! kaso baka hindi ko kaagad mabasa yung mga emergency. Katulad ng sabi ko, marami akong part time.

Adrian Vargas
Otw ako sa inyo, ipaghanda moko ng pagkain.

KAPAL NG MUKHA?!

Leighn Buenaventura
tangina wala naba kayong makain sa inyo? ano bang gagawin mo rito?

Adrian Vargas
I miss you.

Leighn Buenaventura
oa k nak,, kakakita lang natin

Naka automatic ako sa jeje typings kapag kinikilig. Bakit kasi sobrang clingy ng lalaki na to?!

Syempre nag luto narin ako ng tanghalian. Since 11am narin naman.

Adobong manok nalang niluto ko, para pagdating ni ate mamaya, iinitin nalang namin. Sayang lang sa gas kung dalawang luto pa.

Habang pinapakuluan ko yung manok nag bukas ako ng messenger. Nag message na pala si ate.

Weighn An Buenaventura
Weighn An Buenaventura reacted ♥️ to your photo.

Congrats ulit! Anong gusto mo?
Breaktime ko ngayon, nag lunch kana ba?

Leighn An Buenaventura
nag luluto aq rn

wala kong gusto. umuwi ka nalang ng maaga, wag ka na mag ot.

Sa aming dalawa ni ate, masasabi mong ibang iba kami ng personality. Almost same sila ng personality ng best friend ko. INFJ si Ian, ISFP si ate. Habang ako, ESTJ.

Kaya sa amin ni ate, ako ang palaban, ako ang bossy. Si ate sweet. Ako shete, walang ka sweet-sweet sa katawan. Si ate palaging binubully dati. Habang ako, walang kahit na sinong nangahas na ibully ako. Aura ko palang eh takot na sila.

Sakto tapos na yung niluluto ko eh may kumag na kumatok sa pinto. Of course, the one and only.

“Bukas yan, Itulak mo” ani ko

Niluwa naman sya ng pinto. Laking gulat ko, may dala syang paper bag ng watson!

“Bakit watson yang bitbit mo?” ako.

“Para sa'yo. Graduation gift ko, tsaka congratulatory gift for being top 1. Tsaka sabi mo kasi sakin na balak mong mag raket as makeup artist, kaya eto” Sabay abot sakin ng regalo. Bigla naman syang yumakap sakin, niyakap ko rin naman pabalik.

“Pasukan na next week ah. Ready kana ba? Shuta, parang wala tuloy tayong pahinga. Ang tagal na nating nag bakasyon nung grade 12, pero this week lang tayo nag graduation. Bulok talagang school yon” Si Ian.

“Ready nako. Papasok na nga ako bukas sa resto. Tapos hindi muna ako hihingi ng sched for 1 week, mag aadjust pa rin kasi ako sa college life. May ipon narin naman ako” Ako.

“Bakit kaya ganon yung university natin? Wala manlang pa welcome party sa mga freshmen. Tapos kakapasa lang natin, automatic enrolled na kaagad tayo, tapos may schedule na agad. Hanep” Reklamo nya.

“Ayaw mo non? wala na tayong inintindihin. Bakit ka naman mag hahangad ka ng welcome party for freshmen? Anong palagay mo sa university natin, university sa manila?” Sagot ko naman.

“Send mo nga sakin schedule mo” Si Ian

“Pop up mo messenger ko, katamad mag search”

Adrian Vargas
👍

Leighn Buenaventura
You sent a photo.
♥️

“21 units ka lang pala? mukhang basic lang sa'yo tong marketing. Amoy PL agad. Yung Wednesday at Thursday mo, parehong 8:30 yung dismiss? Hihintayin kita sa department nyo, sabay na tayong umuwi. Angkas ka nalang sakin” Si Ian.

“Ge” sagot ko.

“Paano pala kung may nanligaw sa'yo na classmate mo? papayagan mo? or kahit hindi mo classmate, papayagan mo ba? Si Ian.

“Ewan, depende. Hindi pako ready eh. Ikaw ba?”

“Pag ready ka na” Si ian.

Love Amidst Loss (FRAGMENTARY SERIES #1)Where stories live. Discover now