Chapter 14

1 0 0
                                    

Chapter 14

Isang linggo narin ang nakalipas mula ng nakauwi kami galing sorsogon, pero sariwang sariwa parin sa utak ko ang mga sinabi ni Ian.

Masasabi kong maayos naman kami ngayon, sadyang hindi lang ako sanay na yung mga bagay na nakasanayan naming gawin ay hindi na bilang magkaibigan lang.

Mula sa paghahatid sundo nya sakin sa school at sa work kapag nagtatagpo ang schedule namin, pagdadala nya sakin ng pagkain, at pag uusap namin araw-araw.

Hindi rin naman kami awkward ni Kyle sa room. Casual parin kami.

Nasa kalagitnaan nga ng lesson ang professor ko sa understanding the self ng maramdaman kong nag vibrate ang cellphone ko.

Adrian Vargas

Leng, nandito nako sa parking lot.

Deretso ka nalang dito, sabay tayo uwi.

Pinapunta karin pala ni mama sa bahay.
♥️ 1

Hindi ko na lang sya nireplyan, 30 mins nalang din naman ay matatapos na klase namin.

Pagbaba ko nga sa parking lot ay nakita ko na ang motor nya. Yayakap pa sana sya ngunit umupo na kaagad ako sa motor. AYOKO NG MASYADONG CLINGY SA PUBLIC!

Wala pa ngang 30 mins ay nakarating na kami sa bahay nila. Di hamak na mas malapit kasi ang bahay nila sa school namin ngayon kesa sa bahay namin.

Pag baba nga namin sa motor ay hinawakan agad ako ni Ian sa bewang at tila naramdaman kong may nagwawala sa loob ng tiyan ko.

Sinalubong kaagad kami ng nakangit nyang nanay, si tita Edlyn. Mukha talaga siyang mayaman. Mula sa maganda nyang tindig, sa ganda ng kurba na katawan na aakalain mong dalaga parin. Bukod sa mukha syang mayaman ay halatang halata sa mukha nya ang pagiging approachable.

Mag be-bless sana ako kay tita Edlyn, pero sinabi nya na magbeso nalang daw kami. Pakiramdam nya daw kasi ang tanda nya na kapag may nag be-bless sa kanya.

“Sakto lang ang dating ninyo, kakatapos ko lang mag luto ng dinner. Maupo muna kayo, Parating narin si Eduard mamaya” Banggit ni tita Edlyn sa pangalan ng asawa nya.

Hinigit na nga ni Ian ang isang upuan para makaupo ako. Sakto namang kakaupo ko palang, nagsalita nanaman si tita Edlyn.

Ang daldal talaga nya!

“Namiss kita, iha! Nung graduation nyo pa ang huling kita ko sa'yo, hindi manlang kita nabati.” Nakangiti paring sabi ni tita Edlyn.

“Namiss ko rin po kayo, tita. Hindi din naman po ako nag handa non."

“Ano pong secret nyo para maging forever young? Para pong kasing magka age lang po tayo” Para kasing favorite sya ni Lord pag kakagawa ng itsura nya.

“Ano kaba! Hindi kasi ako stress, malaki narin naman na si Ian. Hindi rin naman sakit sa ulo si Eduard kaya heto” Kibit balikat na sabi ni tita habang nakangiti.

Ngumiti rin naman ako.

“Ang sarap po nitong Chicken Curry, tita! Hindi po talaga ni Ian namana cooking skills ninyo" pang aasar ko.

“Okay lang, masarap naman ako” Sagot ni Ian na dahilan kung bakit ako nabulunan, habang si tita ay tawa lang nang tawa samin.

Hindi pako nakakaget over sa sinabi ni Ian ay nagsalita nanaman si tita.

“Kayo naba?” Nakangiting tanong ni tita.

Muntik ko nang mailuwa yung iniinom kong tubig!

“You're so fast, ma. We're going through the process. Nanliligaw pa lang ako.” Diretsong sabi ni Ian at sabay na tumingin sakin.

Love Amidst Loss (FRAGMENTARY SERIES #1)Where stories live. Discover now