Chapter 3

7 0 0
                                    

Chapter 3

9am pa ang pasok ko, pero 6am palang ay gising nako. 3 hours advance talaga palagi kapag papasok ako sa school. Sobrang bagal ko kasing kumilos. Ang bagal kong kumain, ang bagal kong maligo, ang bagal kong mag make-up, pero ang bilis kong magalit.

8am saktong tapos nakong mag makeup. Around 8:30 pako aalis, mabilis lang naman ang byahe. Nakamotor naman kami ni Ian.

After kong mag makeup, nagsuot nako ng school uniform namin. Fitted skirt na dark green, at dirty white naman blouse namin. Saktong sakto ang kulay para sa morena kong balat, habang kitang kita namang ang hubog ng katawan ko sa suot ko ng uniform. Masasabi kong makakakuha ako ng attention.

Hapit na hapit ang blouse ko banda sa dibdib ko at sa balakang ko. Kung anong nilaki ng dibdib at balakang ko, yun namang niliit ng waist ko. Maraming nag tatanong ng vital statistics ko, at proud naman akong sinasagot sila ng 36, 24, 38.

Masyado ring na enhance ang mukha ko sa everyday look kong “NO MAKEUP” makeup look. Mula sa makakapal at arko na kilay, mahahabang pilikmata, almond shape eyes, color brown eyes, pointed nose, at heart shape na labi.

Kahit wala akong makeup, marami paring gandang-ganda sakin mukha ko. Yun nga lang, maraming nagsasabi sakin na mataray at intimidating bitch ako. Asset ko yon eh.

Maraming tao rin ang nagsasabi sakin na mag model ako. Dahil yung height at katawan ko raw ay pasok na pasok sa model. Sobrang bonus pa raw na makinis ako, talented, at matalino.

Marami ring gandang ganda sa buhok ko na sinasabi ng papa ko noon na nakuha ko sa nanay ko. Curly Hair. Straight sa tuktok, ngunit pagdating sa dulo ay sobrang perfect ng pagkakaikot ng kulot.

Kaya lumaki akong sanay sa mahaba ang buhok. Ayokong gupitan kasi baka mag tampo. Hanggang bewang lagi ang haba ng makapal kong buhok. Kapag lumalagpas na, nag papatrim nako, or minsan ako nalang ang nagbabawas. Nakakainis kasi yung ibang parlor, sinasabi ko 1 inch lang tapos ang laki ng ibabawas. Meron rin na mabigat ang kamay kaya pangit nagiging tubo ng buhok ko.

Nasa gitna ako ng pag papatansya ng sarili, ng biglang tumunog ang messenger ko. Si Ian.

Adrian Vargas
Leng, nandito nako sa labas. Tapos kana bang mag ayos?

Nang basa ko ang message nya ay sinuot ko na nga ang black shoes kong may 1 inch na takong. Marketing na Marketing ang datingan.

Pagbaba ko, nakita ko na nga si Adrian. Suot ang uniform nila na slacks na kasing kulay ng palda ko, at dirty white na polo. Hindi ko maipagkakaila na pogi at maskado talaga sya. Ang suot ng mga kaklase nyang babae ay pants din katulad ng kanila. Marketing lang ang naka skirt.

Mula sa magandang buhok nya na naka kingpi, makakapal na kilay, mahahaba at makakapal na pilik mata, pointed nose, at saktohan na laki ng labi, masasabi kong mukha palang ay puhunan na. Napaka angelic tignan, hindi makabasag pinggan.

Idagdag mo pa ang hakab na hakab nyang uniporme, na parang konting galaw nya lang ay mapupunit. Ang mahahaba nyang biyas, at ang mahahaba at saktuhang taba ng paa nya. Kaya hindi ko masisi yung mga nagkakagusto sa kanya, pogi naman talaga, eh.

“Pahiram ng phone” si Ian

Inabit ko naman sa kanya phone ko.

“Password?” tanong nya

“Birthday ko. 08-03-01” sagot ko.

“June 24, na ngayon, 40 days nalang debut mo na” Sabi nya habang may kinukuting-ting sa cellphone ko.

Pagbalik nya sakin ng phone ko, ang pota winallpaper yung class schedule na ginawa nya na mukha nya ang background!

“Pakialamero ka! Papansin ka masyado aalisin ko to” Inis na sabi ko

“Wag mo na alisin. Tara na, baka malate ka”

Inirapan ko lang sya sa sobrang inis.

Pagdating nga namin sa University, masasabi kong malaki talaga. 4th floor ang bawat department. Kaharap lang din ng building namin ang department ng COED.

“Anong room mo? Hatid na kita” Si Ian.

“Room 23. Second floor yon” Ako.

Pagkarating nga namin sa room, halos lahat ng kaklase ko ay nandito na. Jusmiyo 8:52 palang! parang pakiramdam ko late nako. Pagpasok ko nga sa room, sa likod ako dumaan. At kung minamalas ka nga naman, nasa pinaka unahan pa sa kaliwang aisle ang bakante.

Habang naglalakad ako, ramdam kong maraming nakatingin sakin. Gosh, I feel so entitled. What a life.

Hindi pako nakakaupo, ang lawak na kaagad ng ngiti ng babaeng makakatabi ko. Dinadaldal nya ko nang dinadaldal, ayoko ng ganito.

“Hi, ano name mo?” tanong ng babaeng katabi ko

“Leighn” maiksing sagot ko.

“Anong strand mo nung SHS?” tanong nya ulit

“TVL-HE” sagot ko ulit

“Ay ang galing! Edi magaling kang gumawa ng alak? Saan ka nakatira? “Saan ka nag aral nung SHS?” Tuloy-tuloy nyang tanong.

“St. Augustine Academy” sagot ko.

“Dito karin ba nakatira? or nag dodorm ka like me?” tanong nya ulit. Di ba to titigil? Hindi ba halatang ayaw ko syang kausap? Hindi ko na nga binabalik yung tanong eh.

“Hindi ako nag do-dorm, I live here, dito ko pinanganak, 2 sakay mula bahay hanggang dito. May itatanong kapa ba? Hindi ba halatang hindi ako interesadong kausap ka? Pwede ka na manahimik?” Hindi nako nakapag pigil

“Ohh okey, sorry. May kasabay kang mag lunch mamaya sa vacant? Sabay tayo” tanong nyang nakangiti parin.

“Ayoko ng kasabay” Sagot ko.

“Ang ganda mo” Ani nya.

Hindi ko na sya pinansin. Hindi narin ako nag pasalamat sa mga bagay na obvious naman.

Kinuha ko nalang phone ko para mag rant kay Ian.

To: Adrian Vargas
ang daldal ng kaklase q pota kapikon
di q na nga binabalik questions na sa kanya di pa makahalata na ayaw ko sya kausap

Mag tatype pa sana ako, kaso dumating na yung professor.

Shuta mukhang terror, matanda na eh. Mukhang mababa mag bigay ng grades.

“Goodmorning, 1BAM-A! I am your Professor in Science in Reading and Development or you just call it READ100. I am Ms. Reena. We will not have a discussion today. We will just be going to use the whole 3 hours for discussing the classroom rules, introducing yourselves, and of course, Class Representative voting.” Si Ma'am.


Love Amidst Loss (FRAGMENTARY SERIES #1)Where stories live. Discover now