Chapter 19

14 2 0
                                    

FU'S POV

Kakatapos ko lang palitin ang benda ko sa silid paliguan ng makarinig ako ng hagulhol. Dahan-dahan ako ng lumabas sa silid paliguan at tinungo ang silid-tulugan at doon ko nakita si Peri na umiiyak na nakayuko sa higaan. Patuloy lang siya sa pag-iyak kay hindi niya napansing dahan-dahan akong lumalapit sa kaniya at lumuhod saka siya dahan-dahang niyakap mula sa likuran na agad naman niyang ikinatigil.

"Ba-kit ka umiiyak?" Tanong ko habang dahan-dahang isinandal ang aking ulo sa likuran niya.

"Fu" Mahinang tawag niya sa akin. Lumayo muna ako sa kanya ng kaunti at mabilis naman siyang humarap sa akin.

"Fu" Tawag sa akin ni Peri habang may tumulo pang luha sa mata niya. Dahan-dahan kong itinaas ang kamay ko at pinunasan ang mukha niya.

"Bakit ka umiiyak?" Nakangiti kong tanong sa kaniya saka hinahaplos ang dalawa niyang pisngi.

"Mahal kita" Sabi niya habang diretso sa mata kong nakatitig sa akin.

"At mahal din kita" Nakangiti kong sagot sa kanya at sa wakas ay napangiti na siya.

"Mahal kita. Mahal na mahal" Sabi niya at mabilis akong niyakap. Agad akong napangiwi at bahagyang naubo ng mahigpit niya akong niyakap kaya naipit rin ang sugat ko sa likuran. Ang sakit!

"Peri ma-masa-masakit ang su-gat ko" Mahina kong sabi at agad naman siyang lumayo sa akin.

"Patawad. Hindi ko sinadya" Natatawang sabi niya at inalalayan akong maupo at doon lang siya napatigil habang pinagmamasdan ang kabuoan ko, natigilan din ako.

"Paumanhin" "Paumanhin"Sabay naming sabi at sabay din kaming napatalikod at dahil sa sobrang paggalaw ko ay namimilipit ako dahil sa sakit sa aking likuran.

"Fu!" Mabilis akong tinulungan ni Peri.

"Ayus ka lang ba?" Tumango lang ako at yumuko sa mga balikat niya.

"Peri magpakakatatag ka" Sabi ko at hindi ko maiwasang maiyak.

"Anong ibig mong sabihin Fu?" May bahid ng pag-alala ang boses niya pero umiling-iling lang ako bilang sagot.

"Mahal kita palagi mo yang tatandaan" Sabi ko ulit at ramdam ko ang mahinang pagtango at paghaplos niya sa likuran ko.

"Mahal din kita at palagi mo ring panghahawakan ang pagmamahal ko sayo" Tumango rin ako saka tumingin sa mga mata niya.

"Peri kilala mo ba kung sino ang mga gustong pumaslang sayo?" Tanong ko habang pinagmamasdan siya.

"Ang alam ko ay ang Mahal na Reyna at ang kapatid niyang si Lady Sue ang gustong magtumba sa akin" Sabi niya at napatango naman ako at hinaplos ang noo niya.

"Meron pang iba" Mahinang sabi ko saka siya muling tinignan sa mata.

"Wag mong hahayaang tangayin ng malakas na hangin ang hawlang iyong kinalalagyan. Dahil minsan ang taling nakahawak sa hawla mo ay mapuputol saka mahuhulog. Sa paghulog mo may muli makakuha sayo at imbes na palayain ka ito pa mismo ang magpaparanas sayo ng mas matinding pasakit" Makahulugang sabi ko.

"Ano ang ibig mong sabihin Fu?" Halatang naghihirapang unawain ni Peri ang sinabi ko. Nginitian ko nalang siya bago sumagot.

"Ang ibig kong sabihin ang inaakala mong kakampi mo ay siya rin pala ang totoong kaaway mo" Saka ko siya mabilis na hinalikan sa noo.

"Magpapahinga na muna ako" Pagpapaalam ko saka ako tumayo.

"Saan ka pupunta?" Habol niya sa akin habang nagdadamit na ako.

"Para makawala ang magandang ibon sa hawla dapat may mga kamay ring bukal sa puso na bubuksan ang pinto nito at tuluyang makalaya, at yun ang gagawin ko" Tumingin ako sa kanya.

"Nasa tabi mo lang ako palagi Peri. At ngayong alam kong may mga nagtatangka sa buhay mo. Buong puso kong iaalay sayo ang aking buhay upang maging ligtas ka lamang. Handa akong tanggapin lahat ng palaso, hampas o sugat ko ng ito lamang ang paraan upang mananatili kang ligtas" Sabi ko at tuluyan na siyang iniwan sa loob. Hindi lang ang mga kilala mong kaaway ang totoong kaaway mo Mahal ko, may ibang tao pa na gusto ka ring pabagsakin.

Cawing Crow Kingdom (TAGALOG)Where stories live. Discover now