Chapter 28

12 2 0
                                    

PRINCE PERI'S POV

"Anong ginagawa niyo?" Nagulat nalamang ako ng biglang naghalungkat ang mga gwardiya ng Mahal na Reyna.

"Ibigay niyo na po sa amin" Nakalahad ang palad na sabi ni Heneral.

"Anong pinagsasabi mo dyan?" Nagtataka kong sabi saka nalang pinagmamasdan ang mga gwardiyang patuloy parin sa paghahanap ng bagay na hindi ko naman alam.

"Ang punyal at selyo, nasaan?" Napatingin ako kay Lady Sue ng bigla siyang pumasok.

"Hindi ko alam" Malamig na sabi ko saka ko nalang naramdaman ang hapdi sa pisngi ko ng malakas niya akong sinampal.

"Babagsak ka rin!" Galit pa niyang sabi saka sila nagsilabasan sa aking Palasyo. Ng wala na sila parang lantang gulay ko namang tinungo ang aking silid-tulugan habang paulit na umuugong sa aking isipan kong ano nga ba ang hinahanao nila.

Bakit nila hinahanap sa akin ang dalawang mahahalagang bagay sa akin? Sa pagkakaalala ko kasi tanging ang Mahal na Hari lamang ang may alam kong saan ito tinatago. Pero gayong hinahanap nila sa akin kahit hawak na nila ang buong kaharian.

"Siguro wala kay Ama" Nasabi ko nalang saka nag-isip.

Pero kong wala na kay Ama ito, saan?

NARRATOR'S POV

"Isa! Dalawa! Tatlo!" Bilang ni Mang Merlan habang sunod-sunod naman ang ginawang pakikipag-espada ng mga kasamahan niya sa mga kasamahan din nito bilang pag-eensayo.

"Magpahinga muna kayo" Sabi ni Mang Fer habang hinahanda niya at ng iba pa nilang kasamahan ang mga tanghalian.

"Fu! Kain muna tayo!" Tawag ni Mang Ami kay Fu na patuloy parin sa pageensayo sa pakikipag-espada.

"Mamaya nalang Tiyo Ami!" Sagot ni Fu saka nagpatuloy sa pakikipag-espada sa kaharap nitong kahoy.

Kasalukuyan kasi silang nagkakampo sa kagubatan upang madali nilang magawa ang gusto nila at hindi makikita ng mga kalaban.

Balik kila Mang Merlan. Nagkatinginan nalang silang lahat habang sinusulyapan nila si Fu na wala paring tigil sa pag-ensayo.

"Parang may naamoy ako" Natatawang sabi ni Mang Kiko habang kumukuha ng kanin.

"Mukhang malala rin" Natatawang dagdag ni Mang May sa kanila saka sila nagpatuloy sa pagkain at maya-maya lang din ay nakisali na sa kanila si Fu.

Samantalang sa loob ng kaharian. Nagkagulo na ang lahat. Galit na galit na din ang Reyna at si Lady Sue habang nag-iisip sila kong saan nga napunta ang dalawang mahalagang bagay. Kung saan nga ba nila talaga nila ito hahanapin.

"Hawak na natin ang lahat kaya ano pang ikinababahala natin?" Biglang pumasok ang isang lalaki kasama niya ang ilang kalalakihang pumasok.

"Mabuti ng sigurado tayo" Sabi sa kanya ni Lady Sue.

"Kung ganun unahin na muna natin ang pagupo ko sa trono saka palang natin yang hahanapin lalo't kung hindi natin hawak ang trono maaring mawala lahat ng pinaghirapan natin" Sabi ng lalaki na nakapagbigay ngiti sa Reyna.

"Tama ka nga anak kung gayun bukas na bukas rin ay gaganapin natin ang seremonya sa pagiging hari mo" Nakangiting sabi ng Reyna.

Habang naguusap ang Mahal na Reyna, Lady Sue at ng lalaki may isa namang tagasilbe na nakikinig sa kanila. Kinabihan nito ay umalis ang espeyang tagasilbe sa kaharian saka nito tinungo ang kampo nina Fu at Mang Merlan saka niya ibinahagi ang nalaman niyang balita.

Sa gabi ding iyon ay puspusan ang paghahanda ng mga kasamahan nina Mang Merlan at masinsinang pagpaplano ang ginawa nila.

"Para sa kaharian at para sa magandang kinabukasan natin!" Malakas na sigaw ng isang kasamahan nila.

"Para sa kaharian at para sa magandang kinabukasan natin!" Malakas na sigaw nilang lahat at nagsitunguhan sa kani-kanilang tolda upang magpahinga para sa bakbakang mangyayari kinabukasan.

Cawing Crow Kingdom (TAGALOG)Where stories live. Discover now