Chapter 23

9 1 0
                                    

FU'S POV

Mabilis kong kinuha ang takip ng espada ko at nakipag-espadahansa ilang nakaitim na mga lalaki na nakaharap sa palasyo ni Peri. Hindi rin sila gaanong marunong makipag-espadahan kaya mabilis ko lang silang napatumba lahat.

"Peri" Bulong ko sa kanyang pangalan at pumasok na. Maraming mga lalaking nakaitim sa daan at patuloy parin akong nakikipag-espadahan sa kanila hanggang sa hindi ko makita yung isang lalaki na nasugatan ko na nakatayo na pala at sinugatan rin ako sa braso, agad ko naman siyang intake at hiniwa ang leeg niya. Mas binilisan ko ang aking pagtumba sa mga kalalakihan kahit na nanghihina at napuno na rin ako ng sugat sa katawan. Ng wala ng natirang nakatayo sa daan agad na akong napatakbo sa silid tulugan ni Peri at doon ko nakita ang isang lalaki na akmang hihiwain rin sana si Peri pero mabilis akong nakalapit at sinaksak ito mula sa likuran saka kami sabay na napaluhod nito ng may maramdaman din akong humiwa sa likuran ko.

PRINCE PERI'S POV

Nanlaki ang aking mata ng may sumaksak sa lalaking papaslangin sana ako at doon tumambad sa paningin ko si Fu na maraming sugat sa katawan.

"Fu!" Mabilis akong napatayo ng napaluhod siya dahil sa lalaking humiwa sa likuran niya at ako na mismo ang pumaslang nito. Pagkatapos kong gawin yun lalapit na sana ako kay Fu ng may nagsidatingan pang mga nakaitim na lalaki at agad kaming pinaligiran. Mabuti nalamang at kahit na nanghihina ay mabilis na nakatayo si Fu at sumandal sa likuran at dun ko naramdaman kong gaano kalala ang sugat na natamo niya ng maramdaman kong basa na ang kanyang likuran.

"Kunin ang babae!" Sigaw ng isa saka sila umatake pero mabilis kaming kumilos ni Fu at nakikipagespadahan sa kanila.

"Fu!" Tinawag ko siya saka hinawakan ang kamay niya habang nakikipag-espadahan kami ay unti-unti naman akong naglakad palabas.

"Peri"Napatingin ako kay Fu ng bigla na lamang siyang napaluhod ng makalabas na nga kami habang nakasunod sa amin ang mga lalaki.

"Fu tumayo la diyan" Lumuhod ako sa harapan niya saka siya hinawakan sa magkabilang pisngi at ipinagdikit ang mga noo namin.

"Fu" Sabi ko ulit.

"Puntahan mo ang Mahal na Hari, Peri at tanging sa kanya kalang maniwala at sumama?" Mahinang sabi niya naikinatigil ko.

"Fu hindi kita iiwan dito" Mahinang bulong ko saka siya hinalikan. Ng maghiwalay na ang mga labi namin ay sakto namang nakikita ko na sa likuran namin ang mga nakaitim na mga kalalakihan.

"Sige na Peri iligtas mo ang iyong sarili" Nanghihinang sabi ni Fu saka siya tumayo, muntikan pa siyang natumba pero mabilis ko siyang nasalo.

"Hinding-hindi kita iiwan" Pagmamatigas ko pero tanging ngit niya lang ang iginawad niya sa akin saka humakbang patalikod.

"Mahal kita" Mahinang sabi niya pa at saka sinugod ang mga lalaking aatake sana sa amin. Nais ko pa sana siyang tulungan pero wala akong magawa kundi ang sundin ang sasabihin niya kundi mawawalan ng saysay ang lahat. Mabilis akong tumakbo papunta sa palasyo ni Ama, sandali pa nga akong nagtaka kong bakit walang kagwardiya-gwardiya at katao-tao malapit sa Palasyo ko. Ng marating ko ang Palasyo ni Ama napasigaw nalamang ako mabuti nalang at agad akong tinulungan ng mga tagasilbe doon.

"Sa palasyo ko, magpadala kayo ng mga tao doon" Hinihingal na sabi ko na agad nilang sinunod. Maya-maya lamang ay lumabas si Ama na parang naghahanda na rin para matulog, agad namang bumakas ang gulat sa mukha niya ng makita ako.

"Peri?" Dahan-dahan akong napatayo at lumapit kay Ama.

"Ama sinalakay na naman nila ako! Si Fu tulungan niyo po siya" Pagmamakaawa ko at napaluhod lamang sa kanyang harapan. Marahan naman akong hinawakan ni Ama papasok sa palasyo niya at bago ako tuluyang nakapasok nanlaki ang aking mata ng sa di kalayuan ay nakita ko ang isang taong matagal ko ng hinahanap habang karga nito si Fu. Hindi! Fu!

Cawing Crow Kingdom (TAGALOG)Where stories live. Discover now