Chapter 31

20 2 0
                                    

PRINCE PERI'S POV

Lakad takbo ang ginawa ko hanggang sa matanaw ko na si Ama kasama ang ibang kalalakihan na kaharap ang mga gwardiya at ibang mga lalaking naka-itim.

"Ama!" Hinihingal kong tawag sa kanya at niyakap siya.

"Mahal na Prinsipe wala na tayong oras nasaan si Fu?" Nagtatakang tanong ng isang may katandaan na lalaki.

"Pinigilan niya ang mga kalaban nakasunod sa akin, saka..." Ibinigay ko sa kanya ang supot na ibinigay sa akin ni Fu.

"Mabuti't nabigay niya sa iyo ang punyal at selyo" Sabi ni Ama. Nagkatinginan kaming lahat saka sabay na napatingin sa mga kalaban. Akmang aatake na kami ng marinig ko ang isang sigaw.

"Magsialisan kayo!" Lahat kami ay napatingin sa likod at nakita ko si Fu na maraming dugo sa katawan habang may hawak na baril. Mabilis siyang nagpaputok kaya nagsipuntahan sa magkabilang gilid ang mga kalaban.

"Atake!" Sigaw nong Mama na naghahanap kay Fu kanina. Agad na sumugod ang iba pa naming kasamahan.

"Mahal na Hari dito!" Napasunod kami ni Ama sa itinurong daan ni Fu. Agad kaming nakapasok sa punong bulwagan kong saan dinadaraos ang koronasyon. Akmang isusuot na kay Lu ang korona ng sa hindi inaasahan ay may tumamang pana sa korona kaya nahulog ito at lahat sila ay napatingin sa direksyon namin, lalo na kay Fu.

"Fu" Mahina ko siyang dinala sa aking likuran pero hindi siya nagpapadaig.

"Kuya Lu itigil mo na ito!" Galit na sigaw niya kay Lu na ngayo'y nakatayo at bakas na bakas sa mukha ang gulat.

"F-fu?" Tawag ni Lu sa kanya saka siya bumaba at lalapit na sana kay Fu ng itinutok nito sa kanya ang talim ng dalang espada niya na aking ikinagulat.

"Fu" "Fu" "Fu" Sabay-sabay na sabi namin ni Ama, ako at ni Lu sa gulat.

"Tapusin mo na itong kahibangan mo" Mariing sabi ni Fu. Hindi sumagot si Lu pero dahan dahan siyang napatango at saka ngumiti.

"Ang napakagandang makulit,mabait na pinakamamahal kung bubwit na bunsong kapatid. Syempre oo ako" Nakangiting sabi ni Lu saka niya binunot ang kanyang sariling espada at sabay nilang hinarap ang mga taong naging saksi sa muntikan ng koronasyon na magaganap.

"Ipagpatuloy niyo" Biglang sabi ni Ama saka siya naglakad sa harap.

At nagpatuloy ang seremonyas. Nagsidatingan din ang mga kasamahan namin kanina at ang iba sa kanila ay nakaabang sa aming kalaban dito sa loob. Ipinagpatuloy ang seremonyas na sinaksihan ng lahat na tumulong sa amin, sa akin upang marating ko ang yugtong ito.

"Mabuhay ang bagong Hari!" Nakangiting sigaw ni Lu saka nila sabay-sabay itong isinigaw.

Nagkaroon pa ng kaunting mga diskusyon at tuluyan ko na ngang hinatulan ng habang buhay napagkabilanggo ang Reyna, Lady Sue, Heneral at ang iba pa nilang kasabwat.

"Fu" Napayakap ako sa kanya ng isa-isang nagsilabasan na ang mga tao.

"Salamat. Salamat mahal ko" Mahinang bulong ko sa kanya saka hinigpitan ang yakap ko ganun rin siya sa akin.

Lumabas na kami at nakangiting sinaksihan ang mga kaaway naming nakaluhod na sa harapan.

"Masaya ako at nasaksihan ko pa itong araw na ito" Nakangiting sabi ni Ama saka sila bumaba lahat kasama na yung Mama na hanggang ngayon ay hindi ko parin alam ang pangalan.

Pababa na din sana kami ni Fu ng mula sa likuran ay galit at mabilis na lumapit sa amin ang Reyna at hindi ko na magawang maihakbang pa ang aking mga paa ng makita kung tumagos sa tiyan ni Fu ang espada. Agad siyang tinalian ng mga gwardiya, agad ring lumapit sa amin ang iba. Ako naman ay mabilis na sinalo si Fu.

"Fu" Tinatapik-tapik ko ang pisngi niya saka tinignan ang kaniyang tiyan. Napapikit at napaiyak ako ng patuloy na lumalabas mula sa sugat niya ang maraming dugo.

"Fu" Kumapit ka lang paparating na ang doktor. Sabi nung Mama saka nag-utos ng kaniyang mga tauhan.

Natigilan ako ng biglang hawakan ni Fu ang pisngi ko saka niya pinunasan ang kaninang tumutulo kong luha.

"Fu" Niyakap ko siya ng bahagya at hinalikan sa labi.

"Ma-maha-l ki-kita Pe-ri, pe-ro pa-ta-wa-d" Nanghihina niyang sabi na mas nagpaiyak sa akin.

"Wag mo kong iwan" Pagmamakaawa ko sa kanya pero dahan-dahan na siyang napapikit at tuluyan na ding nahulog ang kamay niyang pumupunas sa mga luha ko.

"Hindi! Fu!" 

Cawing Crow Kingdom (TAGALOG)Where stories live. Discover now