Chapter 24

9 2 0
                                    

FU'S POV

Hindi ko na alam kong ano ang sunod na mga nangyari dahil naramdaman ko nalang na may pumukpok sa ulo ko at saka ako nawalan ng malay. Ramdam ko ang hapdi at sakit sa buong katawan ko habang dahan-dahan akong nagmulat ng mata. Parang umuulan ng dugo kagabi dahil sa mga dugong dumanak sa sahig pero hindi iyon ang ikinagulat ko kundi ang mga bangkay ng taong nakahiga rin sa sahig, sila ang mga tagasilbe at mga gwardiya rito. Pero nasaan yung mga lalaking nakaitim kagabi? Bakit ni isa sa kanila ay wala rito?

Tatayo na sana ako ng makarinig ako ng mabibilis na yapak sa lupa at ang sunod na nangyari ay muli akong nadapa sa lupa dahil sa isang bagay na hinampas sa aking likuran.

"Ikaw Lady Sue ay pinapatawan ng pagkakasalang pagtataksil at pagtatangka sa buhay ng Mahal na Prinsipe! Dalhin sa kulungan ang babaeng iyan!" Rinig kong sabi ng pamilyar na heneral pero hindi ko na siya napansin ng maayos dahil muling nanlabo ang paningin ko at sa pangalawang beses ay nawalan ako ng malay.

NARRATOR'S POV

Sa labas ng palasyo sa isang malaking tahanan ay doon nagtipon ang lahat ng mga natirang kalalakihan na sumugod sa Mahal na Prinsipe.

"Sinabi kong wag na wag niyo siyang saktan! Pero anong ginawa niyo?!" Galit niyang pinagsasabihan ang ilang lalaki na mga naiwan maayos habang ang karamihan sa kanila ay sugatan at ang iba naman ay hindi na talaga pinalad.

"Patawad po" Sabay na sabi nila pero hindi parin nito mawawala ang galit nanararamdaman niya lalo't kilala niya ang taong iyon. Dahil sa galit mabilis niyang nilisan ang lugar na iyon saka tinungo ang sikretong pasukan patungo sa loob ng kaharian ng hindi napapansin saka niya tinungo ang Palasyo ng taong napag-utusan siya.

"Ina" Bati niya sa Mahal na Reyna habang nagngingiting aso itong sumisimsim ng tsaa.

"Alam ko na kung ano ang pakay mo, wag kang mag-alala malapit mo ng makuha ang para sayo" Nakangiti paring sabi ng Mahal na Reyna.

"Pero paano niyo ako gagawing hari sa kahariang ito?" Nagtatakang sabi ng lalaki at napaupo sa tapat ng Mahal na Reyna.

"Upang maging hari kailangan mulamang ng selyo ng pagiging hari at ang punyal ng pagkilala. Kahit hindi ka anak ng hari kong nasa iyo ang dalawang mahahalagang bagay na iyon, walang kahirap-hirap na mapapasayo ang kahariang ito. Anak ko" Sabi ng Mahal na Reyna at nagbigay ng ngiti sa mukha ng lalaki.

"At naisa kong sa madaling panahon magaganap ang lahat Ina, kung maari bago matapos ang taong ito" Napatango-tango lamang ang Mahal na Reyna.

Ilang araw ang lumipas.

KING'S POV

Napailing-iling na lamang ako habang binabasa ang huling liham ng aking pinakamamahal, ang dating reyna at ang ina ni Peri, si Ylisa. Tama nga ang mga isinulat niya na hindi lamang ang mga tao sa labas ang kalaban ng kahariang pinamumunuan ko kundi pati na sa loob kung saan ito ang mas delikadong mga kalaban.

Muli kong binasa ang huling liham niya saka ako napatingin sa aking tabi kong saan may supot na naglalaman ng isang mahalagang punyal at ang selyo.

"Tama ka nga mahal. Na kahit gaano mapaglaro ang tadhana mapupunta parin sa tama ang lahat. At alam kong malapit ko ng makuha ang hustisya na para sayo, para sa ating lahat" Nakangiti kong sabi saka itinago ang sulat at dinampot ang supot saka mag-isang tinungo ang lugar kong saan alam kong tiyak na mapapalagaan ito ng maayos sa dadating na gulo.

Tahimik kong nilakad ang pasilyo at pinasok ang lugar na kailanman hindi ko aakalaing papasukin ko at ipapangalaga sa isang tao ang mga bagay na mahahalaga para sa akin, sa aking anak at sa buong kaharian.

Hindi mo man ako gaanong kilala, kilalang-kilala naman kita at alam kong hindi ako magsisi sa gagawing kong desisyon na ito. Na sa iyo ang huling pag-asa ko. Nasa iyong mga kamay ang buhay at kalayaan namin.

Cawing Crow Kingdom (TAGALOG)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang