CHAPTER 1

12 0 0
                                    

For there is nothing hidden that will not be disclosed, and nothing concealed that will not be known or brought out into the open.
Luke 8:17

Napabalikwas ako ng bangon at hingal na hingal dahil sa panaginip ko. Kumunot ang noo ko at napahawak  sa dibdib.  

Sinulyapan ko ang orasan na nandito sa loob ng kwarto ko at nakitang ala 1 na ng madaling araw. 

Pumunta ako sa closet ko at kinuha ang itim kong jacket. Dahan-dahan akong lumabas ng kwarto para hindi magising ang mga kasama ko sa bahay, I went down from the second floor and went out of the house. 

I inhaled the air that is not so fresh as soon as I got out, ganito lagi ang ginagawa ko kapag hindi ako makatulog o nagigising ako ng madaling araw.

Naglalakad lakad ako malapit dito sa amin hanggang sa mapagod. Tumingala ako sa langit at nakitang walang ka isa-isang bituin. 

Sa paglalakad-lakad ko ay nakaabot na ako sa tulay kung saan din ako madalas tumatambay. 

Tahimik ang paligid dahil iilan nalang din ang dumadaan sa tulay nato, papasira na kasi.

Takot dumaan ang iba dahil baka bigla itong bumigay. Kaya duon sila sa ibang daan dumadaan kaso malayo-layo na yun, kailangan pa kasi umikot. 

Pero may proyekto naman na ang gobyerno dito sa amin na ipapagawa na ang tulay nato kasi marami na rin ang nagrereklamo. 

May nakita akong nakaparadang sasakyan sa may gitna ng daan. Ilang hakbang na lang ang layo ko sa sasakyang nakaparada sa gilid ng tulay ng biglang bumukas ang pintuan neto. Napahinto ang mga paa ko at hinintay na lumabas ang nagmamay-ari ng sasakyan. 

Kalaunan ay di nga ako nabigo ng lumabas ang may katangkarang babae, di ko masyadong ma aninag ang mukha dahil nga ay madilim, pero sa tindig at ayos nito ay mukhang mayaman at maganda. 

She walked towards the side of the bridge and leaned over, she seemed to be inspecting something below the bridge. Hala gagi tatalon ba siya?

Lumapit ako sa kanya at mukhang hindi niya naramdaman ang presensya ko. 

“Tatalon ka miss?” Mukhang nagulat siya, dahil napatalon pa siya ng konti at humawak sa dibdib niya.

Humarap siya sa direksyon ko at shet ang ganda gagi, napaka tangos ng ilong, ang ganda din ng mata may pagka kulay green at ang lips pre kissable. 

Nakasuot din sya ng black trousers at white polo, naka high heels din kaya medyo napa tingala ako sa kanya. Hindi naman ako kinulang sa height kaya sure akong magkasing tangkad lang kami, mas matangkad lang siya ngayon dahil sa heels nyang suot.

“Done checking me out?” Narinig kong sabi nya kaya muli akong napabalik sa ulirat, sigurado akong namumula na ang mga pisngi ko ngayon dahil sa hiya. Shet ka self, nakakahiya ka!

“Ha? Uh-uhm, so-sorry miss,” Yumuko ako dahil sa hiyang nararamdaman ko, at para narin maitago ang sigurado akong pulang-pula ng mukha ko. 

Narinig ko siyang bumuntong hininga kaya inangat ko ang tingin sa kanya ulit. Tinaasan nya ako ng isang kilay, aba ang sungit. 

“So-uhm, tatalon ka po ba talaga dito miss?” tanong ko ulit sa kanya. 

Kumunot naman ang noo niya at muli nanamang tumaas ang kilay. Abay ang sungit talaga, nag ask lang naman si me. 

“And what if I will?” Tinignan nya ako ng mariin na para bang inoobserbahan ako at nag aabang sa isasagot ko.

“Wala lang miss, I suggest you not. Kasi I once fell from here at hindi naman ako namatay. So I suggest na hanap po kayo ibang tulay, yung sigurado na mamamatay po talaga kayo.”

Her ReprisalWhere stories live. Discover now