CHAPTER 6

3 0 0
                                    

Hawak-hawak ang kape ko ay naglalakad ako ngayon sa hallway, kakatapos ko pa lang mag linis ng office ni prof. lewis kaya ngayon ay sisilip muna ako sa mga clubs.

Open na kasi ang registration sa mga clubs, and naisipan ko na sumulip muna sa photography club at sa ibang clubs na rin.

Maaga pa pero marami-rami na rin ang mga estudyanteng naka kalat dito. May iba din naman kasi na maaga ang schedule ng klase, ang iba naman ay masisipag lang talaga na gusto maaga pumasok. Naol diba good student, ako kasi student lang hehe.

Nasa tapat na ako ng photography club ngayon, uminom lang ako ng kape na nasa kaliwang kamay ko, habang naka pamulsa naman ang kanang kamay ko. Tinitigan ko ang sign na nasa labas ng pinto.

Photography Club. wew.

I tilted my head and stared at it until the door suddenly swung open. Bumungad sa akin ang magandang babae, maputi, matangos na ilong, mapula-pulang labi, at nasa balikat ang haba ng buhok. Medyo matangkad lang din ako sa kanya ng konti.

"Wanna join our club?" Diretsong tanong nito, wala man lang hi o hello?

"Sure." Diretsahang sagot ko din, she motioned me to follow her so I did. We went inside the room and saw three people inside.

All of their attention went to us, medyo nahiya naman ako. May dalawang babae at isang babae sa loob, naka upo sila sa isang sofa. And lahat sila ay ang ganda at gwapo din.

Belong talaga ako sa club nato eh, puro maganda at gwapo.

"A new member." Saad nung babaeng nagpapasok sakin, naglakad naman sya sa isang table dito sa loob.

"Hi!" Nabaling ang tingin ko sa babaeng nagsalita, you can immediately tell that she have a very bubbly personality. She has a curly hair and a pretty face din.

"Hello!" Masiglang bati ko rin dito pabalik, kita ko agad ang sigla sa mga mata nya. Cute.

Tumayo naman sya sa pagkakaupo at lumapit sakin, nabigla din ako ng bigla niya akong hilahin paupo sa sofa kung saan siya naka upo kanina at ang iba pa niyang kasama.

"I'm Sheena Faye Rodriguez, nice to meet you!" Nakangiting pakilala niya, inilahad niya ang kamay nya sakin kaya tinanggap ko naman ito. Ay ang lambot ng kamay, sanaol.

"I'm Astrid Xiomara Mendez, nice to meet you too!" Pagpapakilala ko naman dito, humarap din ako sa ibang nandito at ngumiti.

"I'm Rafael Whiller, nice to meet you. And welcome to the club." Pagpapakilala naman ng nag iisang lalaki dito.

"Elise Lim is the name, welcome to the club." Sunod naman na pagpapakilala ng babaeng katabi ni Rafael. Maganda din to eh, halata ko din na maypagka hawig sila nung babaeng una kong nakita kanina pero mas mahaba lang ang buhok nito.

"And my name is Eunice Lim, nice meeting you." Huling pagpapakilala naman nung babaeng una kong nakita kanina, inilapag nya naman ang isang papel sa harap ko.

"Your sisters?" Tanong ko sa dalawang Lim, tumango-tango naman si Elise.

"Yep, we're twins." Ooh, kaya pala magka-mukha. Pero halata ko na mas palangiti si Elise, kaysa kay Eunice na poker face lang.

Kinuha ko naman ang papel na inilapag kanina ni Eunice at binasa ito. Papel lang pala na kailangan fill-upan para maging official member ng club nila.

Nag fill-up agad ako matapos masaba ang mga naka sulat at ibinigay kay Eunice ulit.

"Since you already filled up this paper, all you have to do now is to submit your photographs to us, then you'd officially become a member of our club." Napatango-tango naman ako sa sinabi nito, ang dali naman yata maka pasok sa club na 'to.

Her ReprisalWhere stories live. Discover now