CHAPTER 5

5 0 0
                                    


Napapikit ako ng mata habang dinadama ang masarap na simoy ng hangin. Nandito ako ngayon sa tulay at nagmumuni-muni. Naisipan ko muna na tumambay dito, pangpa wala lang ng stress.

Na stress kaya ako nga bonga sa mga quiz kanina, dagdag pa ang mga activity at yung mga lina check na papers ni Prof. Lewis. Until now ang sakit pa rin kaya ng kamay ko noh.

Habang nilalasap ang simoy ng hangin ay naramdaman ko din ang presensya niya na papalapit. Hindi ko man imulat ang mata ko ay alam ko naman na siya yun.

“News?” Tanong ko rito, nanatili lang akong nakapikit habang nakaupo dito sa gilid ng tulay.

“Almost there, Ax.” Nahahalata ko din, ‘bat ba iba-iba tawag nila sakin. Si Rae ang tawag sakin Xio, si Prof. Lewis ay Mendez, si Miss Robin ay Astrid, tapos eto naman Ax.

Pero at least normal lang naman kay Miss Robin, yun naman talaga tawag sakin ng karamihan. Itong tao na’to lang talaga at si Rae ang naiiba. Si Prof. Lewis naman, understandable ang sa kanya kasi ganyan naman talaga tawag ng mga Prof. sa students nila.

“Ax? Are you listening?” Nabalik ako sa ulirat ng biglang magsalita ang taong nasa tabi ko. May kausap nga pala ako.

Minulat ko ang mata ko at tumingin sa kanya, “Sorry, what was that again?” Napabuntong hininga nalang siya at napailing.

“As I was saying—He’s already here.” Hindi na ako nagulat, the last time I checked. He’s booking his flight on the way here already. Ang hinihintay ko nalang talaga ay ang pag dating niya.

“How about her?” Nakita ko ang bahagyang pag angat ng labi nito kaya napakunot ang noo ko.

“Almost completed. Confirmation nalang ang kulang.” Tumango-tango ako sa sagot niya, this guy never really disappointed me.

“I wanna know and see her already, Tim.” Muli ko’ng binalik ang tingin sa harap, kahit wala naman talagang makikita at puro kadiliman lang.

“I know, just be patient hm? I’ll let you know right away once ma-confirm ko na, na siya nga talaga yun.” Tinapik naman nito ang balikat ko.

“I need to go now, Ax. Be careful, okay? They’re just around.” Hindi ko na ito muli pang nilingon.

I know Tim, I know.

Isang presensya ang nararamdaman ko na namang papalapit, hindi ko na din ito nilingon at hinintay nalang na makalapit sa pwesto ko.

“Are you gonna jump off from here?”

Luh, deja vu lang?

“Mahal ko pa buhay ko Prof.” This time ay nilingon ko na ito ng may ngiti sa labi. “Hindi pa ako nagkaka jowa kaya bawal pa.” Narinig ko naman ang pag tsk nito kaya natawa ako.

“Anong ginagawa mo dito Prof.? / What are you doing here?” Sabay pa naming tanong kaya sinamaan na naman niya ako ng tingin.

Luh, kasalanan ko ba na nakisabay siya sakin? Char lungs.

“Tambayan ko po ‘to Prof. kaya nandito ako, kayo po?” I’m swaying both of my feet right now, while looking below.

What if tumalon ako dito?

May buwaya kaya dito?

“Mendez.”

What if biglang may humila sa paa ko?

“Mendez”

What if magkatotoo ang kalokohan na sinabi ko kay prof dati na may tutulak sakin dito?

Her ReprisalWhere stories live. Discover now