CHAPTER 3

4 0 0
                                    


Mabilis na natapos ang morning classes namin, kaya papunta na kami ni Rae sa cafeteria para mag lunch.

Pagka rating namin ay marami na ang estudyante sa loob. Dumiretso na kami sa counter para pumili ng makakain, I ordered pork cutlet and coke. Kay Rae naman ay rice and sweet and sour pork.

Naghanap na kami ng table at sakto naman na may estudyanteng natapos na kumain kaya pumalit kaagad kami.

“Xio, may tanong ako.” Napatingin ako kay Rae ng bigla siyang magsalita. Xio tawag niya sakin, galing sa name ko na Xiomara obviously, ok lang din naman sakin kaya hinayaan ko na.

“What is it?” Sagot ko dito at uminom ng coke.

“You’re 24 right? Turning 25 you said?” Tumango naman ako.

“Why? I mean, sa age mo na yan dapat diba graduate ka na? But you’re still in 1st year college? Why? Ay, ano–curious lang naman, kaya kung ayaw mong sagutin ayos lang.”

Sandali muna akong natigilan sa tanong niya, well, she’s right though. Sa age ko na na’to dapat graduate na ako or nasa higher year na. Yet, I’m still in my 1st year of college.

I already expected na din naman to be asked those kinds of questions, and ready naman akong sagutin.

Binaba ko muna ang hawak ko’ng coke at tumingin kay Rae na mukhang nagaabang ng isasagot ko.

“Well, something happened kasi to me kaya late na ako nakapag aral.” Napa oh naman siya sa sagot ko.

“Curious ka?” Binigyan ko siya ng ngiting mapang asar, tumango-tango naman ito kaya pailing nalang ako at bahagyang napatawa. She’s cute.

“Ganto kasi yan, na inlove kasi ako,” panimula ko,

Kita ko naman na kumunot ang noo niya, “Tapos?”

“At naging batang ina,” seryosong sabi ko, pinigilan kong matawa ng makitang unti-unting napanga-nga siya sa sinabi ko.

Ipinagpatuloy ko naman ang pag-kain ko at hinyaan muna siya na ma proseso yung sinabi ko. Pigil-pigil kuna nga ang matawa ng sobra dahil sa sobrang epic ng mukha niya eh.

“Ehem.” Nabaling ang tingin ko ng may tumikhim
sa gilid namin, tingnan ko ito ay si Prof. Villaver pala.

Tinignan ko ang kasama ko na nasa harap ko lang, bahagya pa akong natawa ng makitang naka awang parin ang bibig nito at mukhang hindi pa rin maka get over. 

“Uhm, hi can we sit with you guys? Wala na kasing available seat eh,” she said smiling, ganda din talaga nitong si miss. Kaya di na kagulat-gulat na magka gusto ‘tong kasama ko.

Na love at first ba naman ‘tong isa dito.

“Sure miss, kaming dalawa lang din naman dito,” pang four seater kasi yung table namin, kaya may dalawang available seat pa sa tabi ko at tabi ni Rae.

Buong akala ko ay uupo si Prof. Villaver sa tabi ko, actually pa-paupo na talaga siya ng biglang may umupo dito.

Bahagya pa akong nagulat ng makitang si Prof. Lewis ito. Di ko siya nakita kanina, magkasama pala sila ni Prof. Villaver. At dahil wala ng ibang no choice si Prof. Villaver ay naupo na lang siya sa tabi ni Rae na naka tanga parin hanggang ngayon.

Bahagya kong pinatid ang paa ni Rae sa ilalim ng mesa at pinandilatan siya ng mata para umayos. Kaagad naman siyang umayos ng upo at mukhang nagulat pa ng makita si Prpf. Villaver sa tabi niya.

“Are you okay miss alvarez?” rinig kong tanong ni Prof. Villaver kay Rae kaya bahagya akong natawa,

“Ha? Uh-Oo po?” napa facepalm na lang ako sa kagagahan nitong babaeng to.

Her ReprisalWhere stories live. Discover now