Simbang gabi 1

27 1 0
                                    

Pahikab hikab akong naglakad papuntang cr. Niyakap ko naman ang sarili ko dahil napaka lamig. Tahimik ang buong bahay tulog pa Kuya at Mama ko sabagay alas tres palang ng umaga.

Ngayon ang first day ng simbang gabi and yearly ko itong finadaluhan at kinukumpleto. Well,minsan nakakatamad dahil sobrang lamig pero naniniwala ako na pag nakumpleto ko ang nine days na ito ay matutupad ang wish ko.

Pagkatapos kong maligo ay nagbihis ako agad. Simpleng t-shirt, pantalon at coat ang sinuot ko at saka ako nag boots. Kinuha ko ang wallet ko at saka umalis.

Paglabas na paglabas ko ng bahay ay biglang hinangin ang basa kong buhok. Brrrr. Ang lamig jusko.

Nagtataka ba kayo kung bakit mag isa ko lang na nagsisimba? Si Mama kasi maaga palagi ang trabaho, si Kuya naman ay hindi maaasahan sa mga ganitong bagay.

Pagdating ko sa simbahan ay kakaunti pa lang ang tao. Lumuhod naman ako bilang pag galang at saka umupo sa bandang likod. Ayoko sa harap dahil baka makita ako ni Father na pumipikit pikit, hindi naman kasi maiwasan yun diba? hahaha

Napatingin ako sa relo ko at 3:30 na, padami na ng padami ang tao. Sakto naman na may umupo sa harap ko. Isang napakatangkad na lalaki. Paano ko na makikita si Father? Cute size pa man din ang height ko huhu.

Binalewala ko na lang ito dahil may kasama itong matandang babae na medyo hirap na ring maglakad. Kaya naman ay pinagbigyan ko na tutal dapat positive vibes lang ang nakalibot sa akin.

Pagpatak ng 4:00 ay nagsimula na ang misa. Punong puno na ang simbahan. Marami ang nakatayo sa labas, kung sabagay first day ito, hindi ako magtataka kung maubos ito pag dating ng third day.

Hindi maalis ang tingin ko sa likod ng lalaki sa harap ko. Well,unfortunately itong likod niya lang naman ang nakikita ko ish. Nagbago naman agad ang pakiramdam ko ng makita kong inaalalayan niya ang lola niya ata sa paglalakad.

Nang mag peace be with you naman ang lola niya sa akin ay ngumiti din ako at nagbigay galang hinihintay ko siyang lumingon sa akin ngunit hinalikan niya lang sa noo ang lola niya. Hays,paano kung ako ang lola niya ang swerte ko naman.

Napailing na lang ako dahil sa naiisip ko. Jusko ano ba tong pumapasok sa isip ko! Natapos ang misa na nasa kanya ang atensyon ko, ni wala man lang akong naintindihan sa pangaral ni Father.

Hanggang sa paglabas ng simbahan ay hinintay pa nilang makalabas si Father bago rin lumabas. Samantalang ako ay nakipagsiksikan sa gabundok na tao na lumalabas. Nahiya tuloy ako bigla sa sarili ko.

Nang makalabas naman na si Father ay lumapit ako sa kanya at nagmano. Hinanap naman ng mata ko ang lalaking matangkad. Hindi ko siya makita kaya napagpasyahan kong umalis na.

Dumaan ako sa 7/11 at nagkape. Sakto namang nakita ko si Lalaine kasama si Kian naglalakad habang magka holding hands. Napairap na lang ako. Hindi naman sa bitter ako pero kasi aba ewan. Sabi ng mga kaibigan ko maganda naman daw ako, ang problema lang NBSB ako.

Ano naman ngayon? at least okay ng maganda lang ako sapat na yun. Hindi ko na inunos ang kape ko at umalis na ako. Makatulog na nga lang.

My Nine Days with YouWhere stories live. Discover now