Simbang gabi 6

5 0 0
                                    

Kasalukuyan akong nanonood ng tv kasama si Kuya. Nakaligo na ako at nakapagbihis na lahat lahat ay wala parin si Nesa. Kahapon kasi ay sinabi niya sa aking gusto daw niyang sumama magsimbang gabi sa akin. Pero anong oras na at wala pa rin siya. Tinatamad naman akong pumunta sa kanila dahil ang lamig sa labas.

"Uy Kuya! katukin mo nga si Nesa sa kanila! Ang tagal tagal ish" sabi ko tsaka hinila sa kanya ang kumot niya at ikinumot ko ito sa sarili ko.

"Ano ba yan Lena! Akin na nga yang kumot! Kita mong ang lamig lamig ee! Tsaka anong gamit niyang dalawa mong paa? hala sige at ikaw ang tumayo at maglakad magkautos to!" sermon niya sa akin at hinila pabalik sa kanya ang kumot. Tignan mo siya nga tong madamot ee! hmmp. 

Tumayo naman ako at isinuot muli ang sapatos ko. Lumabas ako at sinalubong namana ko ng malamig na hangin, nanginig naman ang kalamnan ko whoo! Pagdating ko sa harap ng bahay nila Nesa ay kumatok na ako. Pinagbuksan naman ako ni Tita Nelly ang mama ni Nesa.

"Tita si Nesa? Sasama daw kasi siya sa akin magsimbang gabi ngayon" sabi ko

Napakamot naman ng ulo si Tita. " Naku talaga ang batang yun napakabagal kumilos" bulong niya sa sarili niya na narinig ko naman.

"Pasok na muna Helena at tatawagin ko lang siya" pag yayaya niya sa akin

"Ay hindi na po tita paki sabi na lang na sa bahay na lang ako maghihintay, magpapaalam pa po kasi kay Kuya" sabi ko

"Ay osige" 

Umalis naman na ako at bumalik sa bahay.

"Brrrr. Ang lamig sa labas" sabi ko pagkapasok na pagkapasok ko sa bahay.

"Oo nga tulad ng lovelife mo nanlalamig na rin hahahaha" pang aasar ni Kuya na iniinom nanaman ang gatas ko

"Hoy Kuya naman ee! sabi ko ng bumili ka na ng gatas mo may pera ka naman!" sabi ko at pilit inaagaw ang baso pero ininom na niya agad ang laman.

"Ito naman akala mo kung hindi niya ako Kuya"pagdadrama niya

"Abat nagdrama pa!" sabi ko tsaka hinampas siya ng throw pillow.Gaganti pa sana siya pero biglang may kumatok na kaya naman ay tumakbo na ako sa pinto at iniwan siya. 

"Good morning bebe" bati ni Nesa

"Good morning din, aga mo ah!" sabi ko na nagpangiwi naman sa kanya

"Ito naman di kana nasanay hahaha" napailing nalang ako dahil sa kabaliwan ng pinsan ko.

Inis na inis naman ako ng dumating kami dahil wala nanaman kaming maupuan. Hinanap naman agad ng mata ko ang lalaking matangkad.

"Huy bebe sino ba yang hinahanap mo?" bulong sa akin ni Nesa. Nandito kasi kami sa labas at mga biniyayaan ng height ang mga nasa harap ko kaya eto akong hindi biniyayaan ng height hirap na hirap sumilip.

"Basta!" galit kong bulong sa kanya. Madaming napapalingong mga lalaki dahil kay Nesa. Napairap naman ako. Nag make up ba naman at nakadress! Abat ang lamig lamig na nga't lahat lahat ay nakuha pag magsuot ng maikli. At kaya naman pala ang tagal niya ay nagkulot pa ang magaling na babae jusko! Akala mo naman ay makikiparty kami!

"Be pahiram naman ng coat mo ang lamig ee" nangangatog niyang sabi dahil siguro ay nasa labas kami kaya mas doble ang lamig kaysa pag nasa loob kami ng simbahan.

"Aba! magdusa ka Ate dahil may padress dress ka pang pauso jan, ba't hindi o ako gayahin" sabi ko

"Anong gayahin ka? your so plain kaya!" napairap na lang ako at hindi ko na lang siya pinansin. 

Sa totoo lang badtrip na ako, kasi una late na kaming nakarating dahil kay Nesa, pangalawa ay napaka ingay ni Nesa! tapos attention seeker din ang damit niya peste, and lastly hindi ko mahagilap si lalaking matangkad paano mamatangkad din kasi ang nasa harap ko ish!

Natapos ang misa na isang beses ko lang nakita ang lalaking matangkad nung communion lang hays. At dun parin sila nakaupo sa usual place nila ng lola niya. Hindi ko na talaga papasamahin sa akin si Nesa. Swear!

My Nine Days with YouWhere stories live. Discover now