Simbang gabi 5

8 0 0
                                    

Pagkagising ko ay ginawa ko nanaman ang daily routine ko, ang maligo at ang mag suot ng t-shirt at coat. Pagkadating ko ay as usual kakaunti pa lang ang tao kaya naman umupo nanaman ako sa dati kong pwesto.

Kahapon ay napagusapan namin ng mga kaibigan ko na magkakaroon kami ng christmas party na gaganapin daw sa beach. Nung una ay pumayag ako dahil matagal tagal na rin akong hindi nakapag swiswimming, pero naisip ko ngayon lang na luluwas kami at hindi ako makakapagsimbang gabi. Napafacepalm na lang ako hays. Kakausapin ko na lang sila mamaya,sasabihin ko na hindi na ako makakasama. Sigurado naman ako na magagalit yung mga yun or more on magtatampo sila. Dibale na at Diyos naman ang reason ko, I know they'll understand it.

Maya maya'y dumating nanaman ang lalaking matangkad. Bakit ba palagi ko na lang siyang napapansin? Simula first day ng simbang gabi nato. Siya na lang palagi ang hinahanap hanap ko, I mean ng mata ko hays. Wait, crush ko na ata siya! Wala naman sigurong masama dun diba?

Konsenya: Meron! paano kung may girlfriend naman pala yan? aber

Duh. wala naman akong balak agawin siya sa girlfriend niya ee. At tsaka crush lang naman to.

Konsensya: Okay, sabi mo ee.

Binalik ko naman ang tingin ko sa kanya na inaayos ang saklay ng lola niya. Napabuntong hininga naman ako.Paano kung may girlfriend nga talaga siya? Hays. ewan

Nagsimula ang misa na bangag ako at natapos ang misa na nakatitig lang ako sa kanya. Alam kong okay lang na nakatitig ako sa kanya kasi hindi naman siya tumitingin dito sa likod kahit man lang sa peace be with you hays. saklap be

Dumiretso naman ako agad sa 7/11. Pagdating ko doon ay nakita ko ang pinsan kong si Nesa.

"Bebe!" napairap na lang ako dahil sa pag agaw niya ng atensyon ng ibang tao. Nakakahiya!

Hinila ko naman siya sa isang bakanteng lamesa.

"Ano ba yan Nesa! nakakahiya ka!" bulong ko sa kanya ng pagalit. Jusko kakagaling ko lang ng simbahan ay pinapahighblood na ako agad ng babaeng to. Uhmm wait nakalimutan kong sabihin na mas matanda nga pala siya kaysa sa akin pero ayaw niyang tawagin siyang Ate nakakatanda daw kasi. 

"Aba hayaan mo sila" sabi niya. Napailing na lang ako at hinila na lang siya palabas ng 7/11

"Uy! kain muna tayo bebe!" sabi niya.

"Wag na! sa bahay niyo na lang tayo kumain." sagot ko naman sa kanya at pumara na ng taxi. Whooo kapagod.

My Nine Days with YouWhere stories live. Discover now