Simbang gabi 8

5 0 0
                                    

Nagising ako ng sobrag aga ngayon as in. Paano ba naman tumawag sa akin si Cammy kagabi at binilinan akong mag suot ng maganda dahil pang losyang daw ang sinunuot ko napaka plain and dull daw. Aba't kung hindi ko lang kaibigan yun ay sinakal ko na hehe joke lang. Pero eto nga namomroblema ako kung anong isusuot ko. Nakalkal ko na ata buong closet ko pero wala pa rin akong makitang kakaiba daw sabi ni Cammy ish.

Tinignan ko naman kung sinong online sa messenger. Nakita ko namang online si Nesa, kaya chinat ko kaagad siya.

"Ate anong pwedeng isuot? pahelp naman."  pagtatype ko. Sineen naman niya agad. Sana lang ay huwag dress ang sabihin niya dahil baka sabunutan ko siya pag nagkita kami, alam naman niyang ang lamig lamig tapos mag ddress.

"Magdress ka bebe" Sabi ko nga ba ee. Wala talagang kwenta kausap to.

Naalala ko na may iniregalo pala sa akin si Cammy na hindi ko pa nabubuksan, regalo niya sa akin yun nung birthday ko pa. At ngayon ko lng binuksan, isa itong bomber jacket na pink. Ang cute. Kaya i decided na may high waist na pantalon at white na crop top.  At saka ko isinuot ang vans ko. Matino na kaya to? Sana.

Bumaba naman na ako at nadatnan ko nanaman si Kuya na naglalaro sa ps4 niya. Sinulyapan naman niya ako. 

"Wow san lakad mo? Party? Hahahaha" Napasimangot naman ako sa sinabi niya.

"Pangit ba?" tanong ko sa kanya at umikot ikot pa.

"Oo" sabi naman niya na tutok na tutok sa nilalaro niya. Pshh. Bahala nga siya dyan. 

Lumabas naman ako sa bahay at nakita ko si Nesa na nakaupo sa gilid ng bahay namin.

"Uy Nesa ang aga natin ah?" sabi ko

"Well, napagsarhan na ako ng bahay kakauwi ko lang" sabi niya. What the? 

"Pasok ka muna, nandun naman si Kuya" sabi ko.Tumayo naman siya at pinagpagan ang-- Palda?! Nakapalda siya?!

"Sama na lang ako sayo bebe" sabi niya tsaka humawak sa braso ko. Ano pa nga bang magagawa ko diba?Hays.

Pagkadating namin sa simbahan ay kakaunti pa lang ang tao. Kunsabagay ay maaga pa masyado. Dumiretso naman ako sa dati kong pwesto. As usual wala pa dito si lalaking matangkad.

"Bebe ang ganda naman ng outfit mo, improving!" sabi niya na nagpangiti sa akin. Wala talaga si Kuya hindi marunong sa fashion. Akala mo naman kung magaling din ako haha.

Dumating naman na ang lalaking matangkad at dinadaldal parin ako ni Nesa. Nagulat naman ako dahil tinignan ng lalaking matangkad si Nesa. HIndi ko naman ito pinansin dahil siguro ay napalingon lang siya dahil mabunganga si Nesa. Pero naulit pa ang pag sulyap niya kay Nesa. Ano ba tong nararamdaman ko? Feeling ko tutulo na luha ko, nanlalabo na rin ang mga mata ko, bumibigat na rin dibdib ko, bakit ganito? Parang gusto ko na agad matapos ang misa, g-gusto ko ng umuwi.

Ewan ko ba at hindi ko na pinansin si Nesa, hindi naman siya nagtataka dahil natural na sa akin ang pagiging tahimik pero, bakit ganun? Nag effort na nga akong magbihis, nag effort akong magising ng maaga para sa kanya, nag effort ako na mag paganda, pero ano? Bakit ganun? Bakit si Nesa ang napansin niya?

Natapos ang misa na tahimik ako ni hindi nga ako sumubay sa mga kanta ngayon, pakiramdam ko ay hinang hina ako ngayon. Oo pinsan ko si Nesa pero bakit ganito? bakit parang naiinis ako sa kanya? Siguro dahil napansin siya ng taong mahal ko? Oo, mahal ko na siya may masama ba dun? Napangiti naman ako ng mapait habang nakasakay sa taxi pauwi buti na lang at hindi sumabay sa akin pauwi si Nesa dahil baka hindi ko mapigilan ang sarili ko na kwestunin siya.

Pagkauwi ko ay nahiga ako sa kama at hindi napigilang tumulo ang luha ko. Alam ko naman na hindi ako ganoon kaganda pero may itsura naman ako. Alam ko naman na hindi ganoon kaganda ang pormahan ko. Pero- pero totoo naman ako kung magmahal. Tuloy tuloy ng umagos ang luha ko. Nakakainis naman bakit ba kasi nafall ako sa taong hindi ko naman kilala at sa taong hindi man lang ako tapunan ng tingin. Nagpatuloy sa pagtulo ang luha ko at tahimik akong umiyak. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

My Nine Days with YouWhere stories live. Discover now