Simbang gabi 2

14 0 0
                                    

Nagising nanaman ako ng alas tres at ginawa ang daily routine ko. Thankful naman ako dahil mahilig akong bilhan ni Mama ng coat kaya naman ay kahit simpleng t-shirt lang ang isuot ko at pantalon.

As usual, kakaunti pa lang ang tao. Umupo naman ako uli sa pwesto kahapon. At saka nga pala,nakalimutan ko palang magpakilala. I'm Helena Ferrer.

Nagulat naman ako ng makita kong dumating nanaman ang lalaking matangkad kasama ang lola niya ata at unfortunately sa harap ko nanaman siya umupo at hindi ko nanaman makita si Father pero fortunately makikita ko nanaman siya ng malapitan.

Bakit ba tinataglandi ako ngayon? ish

Napatitig naman ako sa lalaking matangkad ng maglakad siya pabalik sa upuan niya, nagoffer kasi siya.
Matangos ang ilong niya, ang ganda ng kutis, may nunal siya sa tabi ng mata niya,medyo may kaiitiman nga lang pero hindi naman ganoon kaiitim. Nahiya tuloy ako sa kinis ng mukha niya mmedyo may pimples kasi ako hays, buti na lang talaga at hindi halata itong mga pimples ko.

Kagabi sinabi ko sa sarili ko na kakalimutan ko na siya at makikinig na kay Father pero-- huhu hindi ko pala kaya. Pero this time, may onti naman na akong naintindihan kay Father haha.

Natapos ang misa at hinintay ko na rin na makalabas muna si Father tsaka ako lumabas. Napalinga linga naman ako at hinanap ng mata ko ang lalaking matangkad pero hindi ko nanaman siya mahagilap. Napapadyak na lang tuloy ako sa isip ko.

Dumiretso agad ako sa 7/11 para magkape. Nag vibrate naman ang phone ko. Napakunoot ako ng noo ng makita kong tumatawag ang kaibigan kong si Gwen.

"Good morning be" bati niya

"Good morning din" sagot ko

"Be may lakad kami mamaya nila Lalaine sama ka?" sabi niya. Napatingin naman ako sa relo ko. Ang aga aga palang pero puro lakwatsa ang nasaisip nito.Napailing na lang ako.

"What time ba?"

"Mamaya pa namang hapon hahaha" napairap na lang ako dahil mamayang hapon pa pala pero kung makatawag akala mo kung malalate na ako.

"Oo na oo na" sagot ko

" Sige bye be seeya' later" paalam niya tsaka ibinaba ang tawag.Napabuntong hininga naman a ako at napailing nanaman.

"Siguradong mao-op nanaman ako mamaya" sabi ko sa isip ko.

My Nine Days with YouWhere stories live. Discover now