Simbang gabi 7

5 0 0
                                    

Pagkagising ko ay naligo ako agad at nagbihis malamang. Pagkababa ko ay wala akong nadatnang Kuyang umiinom ng gatas ko, mabuti naman. 

Pumara ako ng jeep at sumakay na. Kahapon ay lumabas kami ni Cammy, nakwento ko sa kanya ang feelings ko towards kay lalaking matangkad. And eto pinipilit niya akong kausapin ko daw siya. At binigyan pa ako ng steps kung ano ang dapat kong gawin!

"Manong para po" sigaw ko. Pakadating ko ay nandito na rin sila ng lola niya. Gusto ko sanang tumabi sa kanya pero may kasama naman silang  matanda. Umupo naman ako sa likod nila ang dati kong pwesto. Napapansin ko na ang sweet niya towards elders pero pagdating sa mga ka age niya ay ang cold niya, nakakaturn on omy! hahaha.

Gusto ko pa ngang marinig ang boses niya kaya lang sobrang dalang niya magsalita nakakainis. Hindi kaya panis na laway neto? joke lang. Ano kayang amoy niya? amoy matanda rin kaya?  Napailing na lang ako dahil sa kung ano anong pumapasok sa isip ko, nababaliw na ata ako. Naalala ko naman yung mga steps na sinabi sa akin ni Cammy. 

Step 1: Ayusin ang pananamit. Like ano namang aayusin ko sa pananamit ko? maayos naman ang shirt and coat diba? Eh sa nilalamig nga ako, alangan naman na mag dress din ako tulad ni Nesa no way!

Step 2: Ayusin ang mukha. Sa totoo lang gusto ko ng sabunutan si Cammy nung sinabi niya ito sa akin. Fyi! Ang ganda ko kaya charr. Oo na aaminin ko may eye bags ako and I do have some pimples. Pero mawawalan ako ng upuan pag nake make up pa ako kahit sabihin na nating light make up lang, katamad pa kaya. 

Step 3: Kumanta ng malakas. Jusko day edi sana sumali na lang ako sa choir ng simbahan no?

Step 4: Smile sweetly. Paano ko to magagawa aber? Kung hindi naman siya tumitingin sa akin. Awtsu. Alangan naman na ngumiti ngiti ako sa likod niya, mamaya mapagkamalan pa akong baliw nitong mga katabi ko.

Step 5: Approach him. Oh well, yung lola niya nakausap ko na, I mean nangingitian ko at nakaka peace be with you'han ko  haha. Pero siya? Hindi ko alam kung makakaya ko bang kausapin siya at hindi ko rin alam kung makakapeace be with you'han ko man lang siya kahit isang beses, hays.

Bumalik ako sa ulira ng marinig ko ang "Let us all stand". Mag sisimula na pala, I need to focus.

Maganda ang pangaral ni Father ngayon tagos a tagos sa puso kaya naman lahat ng nakasasalubong ko palabas ng imbahan ay nginingitian ko pati na rin ang lola ng lalaking matangkad, well I also tried na ngitian siya kaya lang nagmukha akong tanga dahil hindi naman siya nakatingin sa akin, ni hindi man lang ako sulyapan hmp. Napanguso naman ako pero ngumiti din ako agad dahil nga good mood ako.

Pumunta naman ako sa mcdo, oo mcdo dahil choosy si Cammy magmemeet daw kami at ayaw daw niya sa 7/11 dahil hindi daw nakakabusog ang pagkain, patay gutom talaga yun.

Nag order naman ako ng pancake at hot choco para maiba puro kape na lang kasi iniinom ko sa 7/11. Sa kalagitnaan ng pag kain ko ay biglang dumating si Cammy. 

"Hi be" sabi niya tsaka ako hinalikan sa pisngi. Umakto naman akong magmamano at binatukan lang niya ako.

"Walangya ka! ginawa mo pa akong matanda!" tumawa na lang ako. Nag order naman muna siya tsaka kami nagkwentuhan.

"Ano be nagawa mo ba?" sabi niya tsaka tinaas taas pa ang kilay niya. 

I sighed. " Be hindi ko nagawa" sabi ko tapos ngumawa

"Ano?!" sabi niya with matching tayo pa. Huminto naman ako sa pag ngawa at hinila siya paupo. Medyo nakakahakot na kasi kami ng atensyon.

"Sorry na be, ang snob niya kasi ee" sabi ko

"Hays. ano pa nga bang magagawa ko? Ang sarap naman resbakan niyang crush mo! wit crush nga lang ba baka naman love na yiii" pang aasar niya sa akin tapos sumubo na siya tuloy tuloy

Parang kanina lang sabi niya resbakan daw pero may payiii yii pa siyang nalalaman dyan, baliw talaga. Napailing na lang ako at tumuloy na rin sa pag kain.


My Nine Days with YouWhere stories live. Discover now