Chapter 6: THE AUDACITY

421 108 2
                                    

Catiana's POV

It's been one week since pumunta kami sa bahay nila Liam at ngayon ay nandito kami sa school at halos lahat ay busy para sa preparations sa nalalapit na ball.

Habang tumatagal ay nagiging malapit sa isa't isa sina Liam at Delancy kaya nahihirapan rin ako kapag palagi silang magkasama. Sino ba naman kasi ang hindi diba?

We are here sa cafeteria to have some break kasi kakatapos lang naming tumulong sa pagpeprepare para sa incoming ball this Friday and now is already Wednesday kaya malapit na.

Walang klase pero required kaming bumalik dahil may attendance and as a good student ay bumalik parin ako kahit na ayaw ko talaga. Sakit kasi sa mata kapag nakikita ko ang dalawa na masaya. Parang sore eyes.

Gaya ngayon.

"Hey, stop that!" Natatawang suway ni Liam kay Delancy ng pahiran siya nito ng icing. Cake kasi inorder nila samantalang yung sakin ay milktea lang. Wala kasi akong gana, lalo na kapag sila yung nakikita ko.

Umusog sakin si Eleanor at bumulong. Heto nanaman siya.

"Mag usap nga tayo mamaya" Seryosong saad nito. Napatingin naman ako sa kanya at nakita kong kina Liam at Delancy ito nakatingin.

"HAHAHA, laughtrip ka" natatawang Sabi ni Delancy. Dahil sa naiinis ako sa kanila ay umalis na lang ako dun at sinundan naman ako ni Eleanor.

Natagpuan namin ang aming mga sarili sa gilid ng field kung saan may mga benches at doon nag usap.

"Hindi ko na gusto yung inaakto ni Delancy." Pag oopen nito ng topic, habang ako ay tahimik lang.

"Obvious naman na may gusto siya kay Liam eh" inis nitong sabi. Lagot, papano na? Alam naman kasi ni Eleanor na gusto ko si Liam, kaya nahihirapan siyang mag open up kapag ganito ang topic.

"Alam kong gusto mo si Liam, pero wag mo sanang masamain ang sasabihin ko" saad nito kaya napatingin naman ako sa kanya. Nakita ko itong bumuntong hininga at nagsalita na.

"It seems that Liam also likes Delancy. Their feelings are mutual. I'm not saying this to hurt your feelings pero, hindi kaya panahon na na kailangan mo ng itigil yang kung ano mang nararamdaman mo kay Liam?" Saad nito sakin, tiningnan ko naman siya at napangiti ako ng mapait bago nagsalita.

"Kung sana nga ganun lang ka simple yun El. Pero hindi eh, sinusubukan ko naman kaso ang hirap. Kahit ilang beses na sakin isinasampal ang katotohanan na si Delancy ang gusto ni Liam, umaasa parin ako eh" saad ko at hindi ko napigilang mapaluha.

Bakit kasi ang unfair? Bakit ako lang? Bakit ang unfair na ako lang itong nasasaktan? Habang siya ay masaya? Bakit?

"Cat, you're just hurting yourself. Ano pa yung magagawa mo eh may gusto na siyang iba? Ano pa ba yung purpose kung umasa ka sa wala? Wala parin naman Cat! Sinasaktan mo lang yung sarili mo eh. Hindi mo na mababago yung katotohanang kaibigan lang talaga yung tingin niya sayo." Saad nito. Ito yung gusto ko kay Eleanor, masyadong honest at straightforward, kaso ang sakit sakit naman magsalita kapag katotohanan na ang pinupunto.

Pinahiran ko ang mga luha ko tsaka tumingin sa kanya.

"Don't worry, I'll be fine, El" Saad ko sa kanya at binigyan siya ng pilit na ngiti.

***

"Cat!" Tawag sakin ni Oliver ng makita niya akong papunta sa palagi naming tinatambayan ni Liam, sa ilalim ng puno ng mangga na may mga garden rin sa paligid.

The air here was refreshing and it's calming kasi ito yung matahimik na parte ng University.

"Oh? Bakit?" Tanong ko dito ng makalapit na ito ng tuluyan sakin. Bahagya pa itong hinihingal dahil siguro sa kakatakbo nito.

Too little, Too late (Tragic Series #1) Where stories live. Discover now