Chapter 29: FAREWELL

1.2K 50 1
                                    

Catiana's POV

It seems that the world was just too cruel to me. I think this fate of mine was already destined to me in the first place, but what can I do? I'm just a girl who lived in a cruel world. Pero, masisisi ko ba ang mundo kung napakahigpit nito sakin? Yung tadhana ba ang dapat kong sisihin?

Masakit, pero ano ang magagawa ko? Wala, kasi ito na ang nakatakda sakin.

It's been two weeks since Liam and I made that wonderful date. In that two weeks ay yun na sana dapat ang oras para iready ako sa pagpapa Heart Transplant ko, but it's always been too late.

Because, here I am. Lying in a stretcher bed while the doctor and nurses were running so fast while assisting me. They put an oxygen in me. I can hear my parents crying and shouting, telling me to survive. My visions aren't clear anymore, I was catching my breath due to heavy breathing, I feel like, I'm strangling.

I felt a tear came out from my eyes.

This is so hard, painful. It's suffocating. I don't know anymore.

Here I am, dying in a stretcher bed.

I can't take it anymore. Sa tingin ko, hanggang dito na lang ako.

Napakahirap, napakasakit. Natatakot akong mamatay. Ayoko nito. Natatakot ako. Ayoko pang mamatay.

"Catiana anak, lumaban ka!"

"Anak, wag mo naman kaming iwan."

Naramdaman kong mas lalong umagos ang mga luha ko sa mga narinig.

Kahit hindi na masyadong malinaw ang paningin ko ay naaaninagan ko parin ang mga mukha ng aking mga magulang.

I plaster a small smile while looking at the both of them. I saw how they shred their own tears which I really hate the most.

Mom, dad. Don't worry, I will always ba here by your side. No matter what.

Nang maipikit ko ang mga mata ko ay yun din ang pag agos ng luha ko na parang ilog. Saan kaya siya? Hindi man lang niya nalaman, pero okay na yun.

Okay na yun, keysa naman sa malaman niya, baka mas lalo lang siyang masaktan. Pero gusto ko siyang makita.

Nang maimulat ko ang aking mga mata muli ay nakita ko ang taong gustong gusto kong makita bago ko lisanin ang mundong 'to.

Totoo ba ito?

Si Liam ba talaga itong nakikita ko? O baka naman namamalikmata lang ako?

"Cat.." tanging sambit nito bago napatulo ang kanyang mga luha.

"Li..." tanging nasambit ko lang. Hindi ko alam kung totoo ba siya o hindi na nandirito siya ngayon pero naramdaman kong hinawakan niya ang pisngi ko.

"Cat, what are you doing here? Why are you lying in that bed?" rinig kong usal nito.

Napangiti ako ng maliit.

"Mah-hal, ki-kita L-Liam." sambit ko at pinilit na abutin ang kanyang mukha ngunit hindi rin ito umabot.

Hindi ko na alam kung ano ang itsura ko ngayon. Pero, parang mahuhugutan na ako ng hininga sa sobrang kawalan na ng hangin.

Napakahirap.

Pero, okay lang, kasi kahit papaano ay nakita kong muli siya, yung mukha niya. Yung Liam ko.

"Mah-hal n-na m-mah-hal."

Hanggang sa...mawalan na ako ng hininga. Ayaw ko pa man lisanin itong mundo ngunit siguro panahon na talaga para ako'y umalis.

Siguro, hanggang dito lang talaga ako.

Too little, Too late (Tragic Series #1) Where stories live. Discover now