Chapter 14: TRUE COLORS

411 77 1
                                    

Catiana POV

"Yes, it's me. I'm here Liam. Hindi na ako aalis." saad ko sa kanya kasabay ng paglapit ko dito at niyakap siya ng mahigpit. Doon ko lang napansin na wala pala siyang damit ng maramdaman ko ang kanyang mga abs. Yes, abs.

Niyakap ko lang siya hanggang sa siya na mismo ang bumitaw sa pagkakayakap ko. Taka ko naman siyang tiningnan ng makita kong nag iba ang ekspresyon ng kanyang mukha. I never saw him having this kind of expression, parang galit na hindi ko ma explain.

Nakatingin ito sakin ngayon at maya maya lang ay nawalan na ito ng ekspresyon kaya nagsalita na ako.

"Hey, is everything okay?" Tanong ko dito pero nanatili parin itong walang emosyon. Magsasalita na sana ulit ako ng magsalita na ito dahilan para matigilan ako.

"Why are you here?" Walang emosyong sambit nito kaya nagsalita ako.

"What do you mean? Liam, syempre nandito ako kasi gusto kitang makit-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng mapakla itong natawa.

"What? You came here to see me? After three years of not contacting us? Pagkatapos ng tatlong taong hindi ka nagparamdam samin? Ano? Ganun na lang yun? Papakita ka ulit dito na parang wala lang?" Naestatwa ako sa kinatatayuan ko. Napayuko ako kasi hindi ko alam ang gagawin at sasabihin. Puno ng hinanakit at pagka sarkastiko ang boses nito.

"Fuck, Catiana. Naghintay ako na tumawag ka, naghintay ako ng balita mula sayo pero wala akong natanggap! Naghintay lang ako sa wala." nagulat ako ng medyo tumaas na ang kanyang boses dahilan para mapaangat ako ng tingin.

"Alam mo, naiintindihan naman kita kasi your Dad got into an accident. Yung hindi ko lang maintindihin ay yung bakit ni tawag o text ay hindi mo magawa. Ni 'ha' ni 'ho', wala.  Mababaw diba? Pero putangina, nag alala ako ng husto sayo. Ni hindi ko alam kung okay kaba dun o ano." hindi ko namalayan na napatulo na pala ang mga luha ko habang nakatingin sa kanya. I can see madness in his eyes right now. Namumula na rin ito at naluluha.

Lalapitan ko na sana siya kaso umatras lang ito papalayo sakin dahilan para madurog ng husto ang puso ko. Why is he walking away? Please Liam, wag yung ganito.

"Cat, magkaibigan tayo diba? Pero bakit hindi ko man lang naramdaman yun simula ng umalis ka? Cat, I've been worried sick for that fucking three years because of you!" hinilamos nito ang kanyang mukha bago tumingin muli sakin ng wala nanamang emosyon. I look into his eyes.

"I'm sorry Liam, I-I didn't know." yun lang ang tangi kong nasabi. Fuck this Catiana.

Sarkastiko itong natawa.

"Yeah right. Hindi pa ako nasanay. I forgot that you're Catiana Parker. Yung taong walang paki sa nararamdaman ng ibang tao." usal nito para masaktan ako.

I didn't mean to. Hindi ko naman ginustong hindi sila makausap sa tatlong taong yun. I don't know anymore. I don't even know what to say.

"Madali lang ba para sayo na kalimutan kami, Cat? Ako? Huh? Fuck, kahit si Delancy ay hindi ko na inaalala man lang o inaatupag dahil sa putanginang kakaisip sayo." patuloy parin sa pagtulo ang mga luha ko at hindi sila maawat. Hindi ko alam. I'm sorry Liam.

"I heard what happened to you and Delancy." hindi ko alam kung bakit bigla bigla kong nasabi iyon. I shouldn't have said that. Nakakunot ang noo nitong tumingin sakin.

"Yung tungkol diyan alam mo? At ano namang paki mo? Ni kausapin nga kami sa tatlong taon na yun ay hindi mo magawa, tapos yan ang laki ng paki mo? Why, is that something to do with you?" Walang emosyong saad nito at bakas sa tono nito ang pagiging sarkastiko. Magsasalita na sana ako ng umalis ito sa kinatatayuan at pumunta malapit sa pintuan.

Too little, Too late (Tragic Series #1) Where stories live. Discover now