EPILOGUE

1.3K 54 13
                                    


"So, what do you want to become in the future Liam?" Tanong sakin si Catiana. Kasalukuyang nandito kami ngayon sa playground kumakain ng ice cream. Dito rin kasi kami nagkita noong bata pa kami eh. Naalala ko noon, nakita ko pa itong umiiyak dahil nadapa kakatakbo sa buong playground kaya agad ko itong pinuntahan at tinulungan. Doon nagsimula ang aming pagkakaibigan.

"Hmm, I want to be an Engineer soon!" Masiglang saad ko. We're in seventh grade at classmates din kami kaya malabong mapapahiwalay kami sa isa't isa.

She's been a good best friend to me that's why I really treasure her the most.

"Ikaw ba?" Tanong ko naman sa kanya. Dumila ito sa ice cream niya bago ako sinagot.

"I want to be a doctor because I want to treat and help people." nakangiting saad nito.

"Well, we'll sure reach and achieve that dream then. Together?"

"Together!" Masayang saad niya. Pagkatapos nun ay ipinagpatuloy na namin ang aming pagkain ng ice cream. Ito yung routine na namin palagi and I really love it.

***

"Hey, promise me you'll never leave me, okay?" Puno ng pagsusumamong saad ko kay Catiana. Kasalukuyang nandito kami sa Arcade naglalaro. Whenever were free, we spend our time here. She always want to play in claw machine because she always wanted to get the stuff toy na pusa pero hindi niya makuha kuha kaya ako na lang palagi ang gumagawa nun para sa kanya.

"Oo naman. Bakit naman kita iiwan." sagot nito sakin. Busy ako sa kakalaro dito sa claw machine habang siya naman ay busy rin sa kakapanood sakin.

"Naninigurado lang ako, Cat." saad ko ng may kasamang pagtawa.

"Tsk. Wala naman akong pupuntahan, Liam." Napapailing iling sagot niya.

"Okay! Got it!" Masiglang saad ko ng makuha ko na yung stuff toy na pusa. Nang makita niya ito at makuha na rin ay ang saya saya niya.

Priceless yung ngiti niya. Gustong gusto ko siyang makita na palaging ganito. Mas lalo siyang gumaganda kapag ngumingiti siya. Makita yung ngiti niya sa araw araw ay ibang pakiramdam na iyon ang dulot sa akin.

***


"Ang daya mo, Cat. Sabi mo hindi mo ako iiwan." saad ko sa kanya ng maalala ko ang sinabi niya sakin noon, ako'y nakaupo nanaman sa damo sa harapan ng kanyang puntod habang kinakausap siya.

"It's been ten years, Cat. It's been ten years since you left. Sinubukan kong magmahal ng iba gaya ng sinabi mo sa sulat mo Cat, kaya ako ngayon nandito para sabihin sayo na ako'y nagtagumpay." Saad ko.

I raised my right hand to show the ring on my finger. Naluluha akong nagsalita.

"Mahal na mahal kita Cat, pero gusto ko ay matupad ko yung sinabi mo sa sulat mo na iniwan mo para sakin." saad ko dito.

"I'm happily married Cat, gaya ng gusto mo. Natutunan ko ring mahalin yung mapapangasawa ko at ako'y hindi nabigo." Napapahid ako ng mga mata ko dahil sa maraming luhang lumalandas.

"I hope masaya ka para sakin, Cat. Pero kahit ganun, hinding hindi kita malilimutan dahil ikaw ang unang babaeng minahal ko at nagkaroon ng malaking parte sa buhay ko." sambit ko dito.

"Daddy!" Rinig kong sigaw ng pamilyar na boses mula sa aking likuran kaya napatingin ako.

When I saw who it was, I plaster a big smile.

Too little, Too late (Tragic Series #1) Where stories live. Discover now