𝐯𝐢𝐢.

253 14 4
                                    

[ Kabanata 7 — Ano Nga Ba ang Pag-ibig? ]

Higit pa noon sa pagmamahal kung ituring ni Miriam ang asignaturang Araling Panlipunan noong siya'y nasa elementarya pa lamang. Palagi siyang nangunguna tuwing may recitation at sa lahat ng pagkakataon na siya'y nakikita ay may hawak siyang libro na naglalaman ng mga buhay ng mga bayani ng bansa. Ang kanyang matayog na karunungan sa Araling Panlipunan ay nagbago nang siya ay tumuntong ng high school. Dahil na rin sa liberal na impluwensiya ay tuluyang nilisan na ni Miriam ang kanyang interes sa kasaysayan ng bansa at ang natirang parte nito sa kanyang puso ay nadurog at naghihintay na lamang ng isang pagkakataon upang mabuo ulit....

"Buen señor, herir e insultar a las mujeres nunca es aceptable para nosotros los hombres (mabuting ginoo, ang manakit at mang-alipusta ng mga kababaihan ay hindi kailanman katanggap-tanggap para sa ating mga kalalakihan), kaya por favor (pakiusap) ay huwag niyo na lamang po saktan ang mga pobreng babae." Diin ni Padre Burgos habang diretsong nakatingin sa guardia civil na tila naging estatwa ang postura. Ilang saglit ulit akong pinatamaan ng isang nagngangalit na titig galing sa guardia civil bago ito lumayo at humarap sa padre.

"Lamento lo que hice, padre. no volverá a suceder (Paumanhin sa aking nagawa, Padre. Hindi na po mauulit man). Ani guardia civil at ito'y yumukod bago lumayo. "Hindi ka ba nasaktan?" Aking tinanong sa babae habang patuloy na marahang hinahaplos ang kamay niyang may namuong sugat. Tumango ang babae at kahit ni isang salita ay walang namutawi sa kanya ay nakita ko sa kanyang mukha ang kanyang pagpapasalamat na sapat na upang ako'y mapanatag.

Nangolekta muna ng ilang segundo si Padre Burgos bago tuluyang mawala sa paligid ang guardia civil bago kami binalingan ng atensiyon. "Maayos ba ang inyong kalagayan, mga binibini?" Sambit niya at dahan-dahan niyang siniyasat ang aming mga mukha. "Ayos lang kami, padre. Salamat at dumating kayo upang ipagtanggol kami." Tugon ko. Tinulungan niya kaming makatayo at ang mga nagsiwalat na mga paninda ng babae ay kanyang iniayos at tinipon.

"Mabuti at walang nasaktan sa inyong dalawa ngunit bakit ba napag-initan kayo ng guardia civil na iyon?" Tanong niya. "Hindi ko po alam padre, ngunit nakita ko po ang babae na 'to na inaalipusta ng guardia civil at naawa ako kaya tinulungan ko po upang hindi na po siya mapano pa." Paglalahad ko.

"Oh siya, mukhang 'di naman na babalik ang guardia na 'yon kaya marapat lamang na huwag munang magtinda ang babae at baka mamaya ay pag-initan na naman siya ng kapwa mga guardia civil." Suhestiyon ni Padre Burgos na isang tango lamang ang babae ang naging tugon. Nagsimula na ang babae na itipon ang kanyang mga paninda at lumabas sa kanyang bibig ang isang "maraming salamat po" bago ito tumakbo papalayo dala-dala ang prutas at gulay na sana ay magdadala sa kanya upang makawala sa kahirapan. Napabuntong-hininga na lamang ako nang tuluyan nang maglaho ang paningin ko sa babae saka naman ako tumingin sa padre.

"Padre Burgos, ano't bigla kayong naparito?" Tanong ko. "Ah.... nais ko lamang ibalik ang panyo na ito na sa 'king palagay ay pagmamay-ari mo." Sabi niya at sabay na dinampot ang panyo sa kanyang tagiliran. Kinapa ko ang aking pananamit at tunay ngang wala sa aking kamay ang panyo na sa kumbento lamang nakikita. Natawa ako dahil sa aking sariling kapabayaan. Kinuha ko ang panyo at naramdaman ang makinis na palad ng padre.

"Maraming salamat, padre at iyong napulot ang panyong ito. Nais ko ring humingi ng paumanhin dahil sa aking kapabayaan na ingatan ang ganitong mga bagay." Sambit ko at nakatanggap ako ng ngiti galing sa padre. "Walang anuman, binibining Miriam. Lahat naman tayo'y nagkakamali't natututo, hindi ba?" Tila nangungusap ang kanyang mga matang nakatingin sa akin na para bang ako'y napapaso dahil sa kanyang titig. Nabasag lamang iyon nang dumating si Dolce na hapong-hapo dala ng kanyang pagtakbo upang masundan ako.

𝗽𝗮𝗱𝗿𝗲 || 𝗮 𝗵𝗶𝘀𝘁𝗼𝗿𝗶𝗰𝗮𝗹 𝗳𝗶𝗰𝘁𝗶𝗼𝗻Where stories live. Discover now