𝐯𝐢𝐢𝐢.

295 14 8
                                    

[ Kabanata 8 — Pangako ]

Gustuhin man ni Miriam na makaalis na sa panahong hindi pa buo ang kasarinlan ng Pilipinas ay hindi niya kayang iwanan ito. Ibigin man niyang lisanin at limutin ang lahat ng kanyang nasaksihan at nadama sa panahong nakakulong pa rin ang mga Pilipino sa sarili nilang bayan ay hindi niya maatim na itapon na lamang nang ganoon ang mga bagay na tila sa panahong ito niya lamang natunghayan at nabigyan ng pansin. Ngunit kanya pa ring ipinagtataka kung ano nga ba ang tunay na layunin niya at siya'y napasok sa panahong ito at ano ang kanyang magiging papel sa lahat ng kahihinatnan ng kanyang mga nakilalang persona ng kasaysayan....

Mga segundong nagmistulang mga minuto, ngunit mga minutong parang segundo lamang kung ito'y lumipas. Ano nga ba ang tiyak na takbo ng oras kapag ika'y bigla na lamang natigil, ang pagtibok ng puso mo, ang kakayahan mong gumalaw, at kung ano ang nilalaman ng iyong isipan? Ano nga ba ang pakiramdam na ito? At bakit ko ito nadarama kay Padre Burgos?

Patuloy pa rin akong nakatitig sa kanyang mga mata at tila hindi ko mapawi ang damdaming nararamdaman ko sa kalooban ko nang tila bulang nawala iyon nang narinig ko muli ang kanyang tinig. "Binibining Miriam... ang inyong pañuelo (panyo).... hindi niyo ba ito nais na kunin?" Sambit niya habang hawak ang panyo.

Kumurap ang aking mga mata at dali-daling kinuha ang panyo sa kanya at kami'y parehas na tumayo. Nakita ko sa gilid ng aking paningin ang palihim na hagikgik ni Padre Zamora na tinapik naman ni Padre Gomez. "Tumigil ka nga riyan." Narinig kong bulong niya.

Pinagmasdan ko muna ang nagusot na panyo at pinagpag ito bago muling binaling ang aking tingin kay Padre Burgos. "Maraming salamat, Padre." Sambit ko sabay halik sa kanyang palad bago dali-daling lumapit kay Dolce at bahagyang nagtago sa kanyang likod. Narinig kong tumawa nang malumanay si Dolce.

"Nako, nakawiwili talaga si binibining Miriam, hindi ba?" Ani mongha Veronica. "Ella es real, madre Verónica (Siyang tunay, madre Veronica)." Pagtugon ni Padre Zamora at ito'y sinabayan lamang ni Padre Burgos ng isang pagtango ngunit sa kanyang mga mata ay nakikinita ko ang kanyang pagnanasang ako ri'y bigyan ng puna.

"Oh siya't tayo'y pumasok na sa simbahan at malapit na ang kauna-unahang misa ni Padre Zamora dito sa ating minamahal na parokya." Saad ni mongha Veronica na sinang-ayunan naman ng kanyang kapwa mga madre. Naunang pumasok ang tatlong pari na sinabayan naman ng mga madre samantalang kami naman ang nahuli na pumasok.

Habang kami'y papalapit sa altar ay hindi ko pa rin maalis sa aking isipan ang kakaibang nadama ko kanina nang magkadikit ang mga palad namin.

Jusko ka, Miriam. 'Wag mong sabihin na nagkakaroon ka na ng pagtingin sa isang taong nakatakda nang imposibleng maging kayo. At ipagkakaila mo pa ba na isa siyang pari? PARI, Miriam, hindi lang basta-basta na tao kundi isang sugo ng Diyos na kailanman ay labag na umibig kaninuman.

Iwinaksi ko na lamang muna ang mga bumabagabag sa akin at umupo katabi ni Dolce na nasa likuran naman ng mga madre. Nariya't may mga dumarating pa na mga taong magsisimba kaya akin munang pinagmasdan ang loob ng simbahan. Hindi maitatatwa na walang gaanong pinagbago ang katedral ng Maynila sa kasalukuyan nitong estado sa panahon ko, ngunit mas sariwa nga lamang at yaring bato pa rin ang mga pader at dingding na bumubuo sa katedral at ang mga bagay ay hindi pa makabago di katulad ng nasa katedral sa panahon ko.

Maya-maya lamang ay lumitaw na rin si Padre Zamora sa altar at nagsimula na nga ang misa. Napansin ko na may mga ibang kabanalan pati na si mongha Veronica ang nasa mga upuan na nasa gilid ng altar. Kasama na dito sina Padre Gomez at Padre Burgos. Nang nagsimula nang kumanta ang Koro ng Simbahan ay bigla akong napatingin kay Padre Burgos.

𝗽𝗮𝗱𝗿𝗲 || 𝗮 𝗵𝗶𝘀𝘁𝗼𝗿𝗶𝗰𝗮𝗹 𝗳𝗶𝗰𝘁𝗶𝗼𝗻Onde as histórias ganham vida. Descobre agora