𝐱𝐢𝐢.

327 21 19
                                    

[ Kabanata 12 — Tunay na Nararamdaman ]

[ Sa perspektibo ni Padre Burgos ]

Walang pakiramdam na siguro ang makakapantay sa pagtatangi sa isang taong hindi mo lubusang hinangad na makilala o maging parte ng iyong buhay. Isang tao na tila kapilas sa kanyang mga pananaw at idealismo sa buhay kung ituring ni Padre Burgos si Miriam, isang tao na hindi lamang sa isipan nananalaytay ang galing at kaalaman, kundi pati sa gawa na kailanman ay hindi maikukubli ng mga salita. Labag man sa doktrina ng Simbahan ang pag-ibig sa ninuman ay hindi niya mapigilan ang bugso ng kanyang damdaming bumabalot kapag nakikita niya ang butihing binibini. Gustuhin man niya na tuluyan nang sabihin ang kanyang tunay na nararamdaman sa kanya ngunit siya ay bihag pa rin ng kanyang takot at kaba na baka sa oras na siya'y magtapat sa binibini ay hindi niya na ito ituturing na parang kagaya ng dati....

Talikod doon, saka tatalikod na naman pabalik na mauuwi sa muling pagtitig sa kisame habang may malalim na iniisip.

Ang halong pagtataka at gulat sa mga mata ni binibining Miriam kanina ay hindi ko pa rin mapitas nang tuluyan mula sa aking isipan upang maibsan na ang bagabag na nararamdaman ko.

Ano ka ba, José Apolonio Burgos! Sa dinami-rami ng pwede mong mabigkas kanina sa kanyang harapan ay bakit iyon pa ang iyong napiling sabihin?! Ano nga ngayon kaya ang iniisip ni binibining Miriam sa kanyang pagtulog? Kanya bang pinag-iisipan ang nasabi ko kanina kaya kagaya ko ay hindi rin siya makahanap ng tulog? Ano na lamang kaya ang kanyang magiging pananaw sa akin kung ito man ay kanyang naitatak sa kanyang isipan? Magbabago kaya ang mga gawi niya sa akin mamaya sa misa?

Sa sobrang dami ng mga gumugulo sa aking isipan ay hindi ako nakatulog nang maayos at bagkus ay nanalangin na lamang sa Poong Maykapal na ako'y patnubayan at gabayan sa mahalagang araw na magsisimula sa loob lamang ng ilang oras at isang hiling na sana ay maging bukas sa aking sarili at bigyan ako ng tapang kapag nakaharap ko na ang babaeng nagkaroon na ng malaking parte sa aking puso.

Hindi ko kaya.... Hindi ko kaya....
Hindi ko kakayanin....

•••

[ Sa perspektibo ni Miriam ]

Naudlot na lamang ang aking tahimik na pagtulog nang marinig ang malakas na tunog ng mga instrumento na nanggagaling sa labas pa ng kumbento. Nang dumungaw ako mula sa bintana ay nakita ko ang mga magarbong kalesa na nakaparada sa labas ng kumbento habang ang iba naman ay nasa simbahan na. Nag-ayos ako saglit at bumaba na upang salubungin ang mga madre na abalang linilinisan ang loob ng kumbento kasama na si Dolce.

Binati ko ang lahat ng aking makita sa aking landas ng isang maligayang pasko at sumabay na rin sa paglilinis upang mapadali ang gawain. Nang pumatak ang alas-otso ay mas naging malakas pa ang tugtugin sa labas at marami nang tao ang nasa lansangan. Pagkatapos kong makabihis ay sabay kaming lumabas ni Dolce at bumungad sa amin ang bayang nababalutan ng tugtog at diwa ngayong araw ng Pasko.

Nang tinanong ko si Dolce kung sino-sino ang mga may-ari ng mga kalesa ay kanyang sinabi na ito'y pagmamay-ari ng mga kapitan ng Maynila pati na rin ng mga ibang kapitan at mga pamilyang may estado mula sa mga karatig-bayan.

Ang plaza na katapat ng simbahan ay napupuno na ng mga tao at hile-hilera ang mga tindahan kung saan iba't-ibang produkto ang ipinagbibili. Gamit ang salapi na binigay sa amin ni mongha Veronica ay bumili kami ng biko, bibingka, at iba pang mga pagkaing malagkit para sa kumbento ngunit namalagi muna kami sa plaza ng ilang minuto upang masilayan ang mga makukulay na disenyo ng mga kalesa ng mga kapitan. Nang kami'y papaalis na ay saka naman namin nakasalubong si Padre Zamora.

𝗽𝗮𝗱𝗿𝗲 || 𝗮 𝗵𝗶𝘀𝘁𝗼𝗿𝗶𝗰𝗮𝗹 𝗳𝗶𝗰𝘁𝗶𝗼𝗻Where stories live. Discover now