𝐱𝐯𝐢.

425 20 12
                                    

[ Kabanata 16 - Liham ]

[ Sa perspektibo ni Padre Burgos ]

Wala nang ibang bagay na hinangad si Padre Burgos kung hindi ang makawala sa gapos sa mga panggigipit ng mga makapangyarihan at matamasa ang kalayaan na nararapat lamang sa kanyang mga kapwang Pilipino. Iyon na ang nagsilbing silab ng kanyang puso upang patuloy na maging matatag sa kabila ng pagkamatay ng kanyang mentor na si Padre Pelaez. Hindi man niya lubusang maisip na ang kanyang bayan ay nananatiling maralita dahil sa mapang-abusong kamay ng mga Espanyol, ay umaanib pa rin ang pagkakaroon ng pag-asa sa kanyang puso. Dumating na ang lahat-lahat sa kanyang buhay, mga pagdurusa, kawalan, at matinding takot at panghihinayang, ngunit ang hindi niya inaasahan ay ang pagdating ng isang babaeng babago sa takbo ng kanyang buhay. Mas uunahin nga ba niya ang taong isinisigaw ng kanyang puso, at tuluyan nang tatalikuran ang pagnanasa niyang kabutihan para sa bayan?....

Mabilis ang pagtibok ng aking puso ngunit parang kalmado lamang ang nararamdaman ko sa aking paligid. Pawang kadiliman lamang ang aking nakikita habang nakadikit pa rin ang aking labi kay Miriam. Naramdaman ko ang parehong pagpatak ng aming mga luha at marahang kumawala si Miriam mula sa akin. Minulat ko ang aking mga mata at nakita ang mangiyak-ngiyak na mukha niya.

"Ano't ika'y napapatangis, aking Miriam?" Tanong ko at hindi siya nakapagsalita kaagad. Sa halip, ang kanyang pagluha ay tumindi at siya'y napasandal sa akin. "Oh, José.... hindi ko kaya..." Sambit niya sa pagitan ng kanyang mga hikbi. "Ang alin, Miriam?"

Tumingin siya akin at aking pinahiran ang mga luhang nag-uunahang bumaba mula sa kanyang mga mata. Napapikit na lamang siya at tumayong muli. "May problema ba, Miriam?" Sa pangalawang pagkakataon ay nagtanong ako sa kanya. Isang hindi maipaliwanag na ekspresyon ang nanaig sa kanyang mukha.

Tila hindi siya mapakali at nagmamadaling inayos ang kanyang sarili. Tumayo ako at nilapitan siya. "Paumanhin at akin kitang hinalikan, Miriam. Nadala lamang ako ng bugso ng aking damdamin." Puno ng pag-aalala kong sambit. Hindi ko mawari kung siya ba'y aking pinuno ng kaba o kaya naman ay binigyan ng takot.

Nauutal niyang sambit, "Ma-mauna na ako, José, at baka'y hi-hinahanap na ako sa kumbento." Hinawakan ko ang kanyang kamay at sabay kaming napatingin sa isa't-isa. "May nagawa ba akong hindi kanais-nais, Miriam?" Aking pag-uulit ng aking tanong. Mababakas sa kanyang mukha ang pag-aalinlangan. Bumitaw siya mula sa pagkakahawak ng aking kamay at mariing hinawakan ang kumpol ng bulaklak na aking ibinigay.

Yumukod na lamang siya nang walang salitang binibigkas at nauna nang umalis. Isang huling sulyap ang ibinigay niya sa akin at saka nawala sa aking paningin. Napaupo na lamang ako muli sa damuhan at imbis na makaramdam ng lamig ay pag-iinit ng aking damdamin ang aking nadama.

Ano ba ang pinaggagagawa mo, Jose?! Paulit-ulit kong pinangaralan ang aking sarili habang nakapikit ang mga mata ko.

•••

[ Sa perspektibo ni Miriam ]

Nakaraan na ang isang oras nang makasama ko si Padre Burgos at hanggang ngayon hindi pa rin tumitigil ang panginginig ng aking mga kamay.

Lakad dito, lakad roon at mamaya ay iikot na sa buong kwarto. Pilitin ko man ay hindi pa rin matanggal sa aking isipan ang malambot na halik na inilapat sa akin ni Padre Burgos. Napapikit na lang ako at sumandal sa pader at sinubukang hindi umiyak.

Jusko Miriam ano na talaga ang nangyayari sa iyo? Una, bigla ka na lamang napunta dito sa panahon na ito, sa panahon ng mga paring martir. Pangalawa, iniligtas ka niya at kanya mo siyang nakilala. Pangatlo, nagkaroon ka ng pagtingin sa kanya na in the first place, hindi naman talaga tama. Pang-apat, nagkaroon din siya ng pagtingin sa iyo at nag-confess pa nga eh. Pero ito? Yung fact na hinalikan ka niya? Ano na ba talaga ang naging parte mo sa buhay niya? Ano na lang kaya ang mararamdaman niya kapag nalaman niyang hindi talaga kayo pwede sa isa't-isa? At ano rin kaya ang mararamdaman mo kapag huli na ang lahat? Sabay-sabay na bulyaw ng boses sa aking isipan.

𝗽𝗮𝗱𝗿𝗲 || 𝗮 𝗵𝗶𝘀𝘁𝗼𝗿𝗶𝗰𝗮𝗹 𝗳𝗶𝗰𝘁𝗶𝗼𝗻Where stories live. Discover now