𝐱𝐯.

416 20 15
                                    

[ Kabanata 15 — Halik ]

Sa lipunang ang paggalang at pagbibigay ng alaga at pag-aalala sa mga tao ay tila isang mabigat na pasanin, bibihira na lang talaga ang makahanap ng lalaking handang ibigay ang lahat-lahat mabigyan lamang ng proteksiyon ang kasintahan niya. Hindi kailanman naghangad si Miriam na makatagpo at umibig ng lalaking kagwapuhan lang ang maipapamalas, kundi ang pagkukusa at dedikasyon na magbigay ng kapanatagan sa kanyang loob na siya'y ligtas kapag kasama niya ito. Isang lalaking iibigin niya na hindi lamang sa panlabas na kaanyuan may ipapakita, kundi pati na rin sa mga salitang kanyang binibitawan at gawing binibigyan ng kahalagahan. Palaging napapaisip si Miriam kung talaga bang nawala na ba nang tuluyan ang ganoong mga lalaki o sadyang nagbago na ang lipunan at tila nawalan na rin ng saysay ang mga katangian na kinakailangan ng lahat ng mga kalalakihan sa mundo....

Hangos kung ako ay huminga at nararamdaman ko ang pamumuo ng pawis sa aking mukha nang matagpuan ko ang aking sarili sa kabilang banda ng bangka. Nang manumbalik na naman ang aking kalagayan ay nakita ko ang mga matang malalim na nakapukol sa akin na puno ng pag-aalala. "José...." Mahina kong sambit. Kasabay ng mabilis na pagtibok ng aking puso ay ang mga yabag na papunta sa aming dalawa. Nakita ko sa gilid ni Padre Burgos ang mga nakatayong sina mongha Veronica, Dolce, at sina Padre Zamora at Padre Gomez.

"Ay dios mío, binibining Miriam ayos ka lamang ba?" Mariing tanong sa akin ni mongha Veronica. "Nasaktan ka ba?" Karagdagang tanong ni Dolce. Simpleng pagtango lang ng aking ulo ang nakayanan kong tugon. "Mabuti na't iupo mo na siya at nang hindi na siya mahilo pa." Suhestiyon ni Padre Gomez na tinugunan naman kaagad ni Padre Burgos. Inalalayan ako nina Padre Burgos at Zamora samantalang si Dolce na ang humalili upang ako'y bantayan. Humingi ng paumanhin sa akin ang bangkero na agad ko rin namang tinanggap.

"Dumito muna kayo at hahanap kami ng malinis na tubig upang maipainom kay binibining Miriam, ha?" Ani mongha Veronica at sinamahan siya ng tatlong pari. Binuksan ni Dolce ang kanyang pamaypay at nagsimulang bigyan ako ng hangin na agad rin namang nagpakalma sa akin. "Hay nako, pinag-alala mo kami nang lubusan, Miriam. Muntik ka na kayang nahulog papunta sa ilog." Sabi sa akin ni Dolce. "Eh... mabuti na lamang at mayroon si Padre Burgos kung hindi ay baka napaano ka pa." Pagdaragdag niya.

Dumating na ang grupo na may baso ng tubig na hawak-hawak ni Padre Burgos. Umupo siya sa aking tabi at dahan-dahan akong tinulungan upang makainom ako nang maayos. Habang umiinom ay nababanaagan ko ang pagpipigil ng pagngiti ni Padre Zamora. Nang tapos na akong uminom ay binalot ako nang kumot ni mongha Veronica upang hindi ako malamigan. Matapos kong mahimasmasan ay nagpaalam na si mongha Veronica pati na sina Padre Gomez at Padre Zamora na sinundan naman ni Dolce. Ang tanging naiwan na lang sa akinf tabi ay si Padre Burgos.

Nang hawakan niya ang aking kamay na bahagyang nanginginig pa rin ay tila nawala lahat ng takot at kaba ko kanina at kumalma ako. Tumingin ako sa kanya at napahikbi. Marahan niyang hinawakan ang aking mukha at sumilay sa kanya ang ngiti na nagdala sa akin ng panatag. "Magiging ayos ka lang ha? Nandito lamang ako." Sabi niya at 'di ko napigilan ang sumandal sa kanya at pakiramdaman ang mainit niyang presensiya.

"Maraming salamat sa pagliligtas mo sa akin kanina, José." Aking sambit at ipinikit ko ang aking mga mata. "Walang anuman, Miriam. Kung mayroon man akong ayaw na mangyari sa mundo ay iyon ang mapahamak ka, ha? Tahan na, Miriam. Tahan na." Pagbibigay niya ng kasiguraduhan sa akin habang patuloy na hinihimas ang aking ulo at kamay. Dala na rin siguro ng bilis ng pangyayari kanina ay bigla na lang ako napaidlip na may pinanghahawakang katiyakan sa mga yapos ni Padre Burgos.

𝗽𝗮𝗱𝗿𝗲 || 𝗮 𝗵𝗶𝘀𝘁𝗼𝗿𝗶𝗰𝗮𝗹 𝗳𝗶𝗰𝘁𝗶𝗼𝗻Where stories live. Discover now